Dating Beauty Queen Dindi Gallardo Ano Na Nga Ba Ang Buhay Matapos Iwanan Ang Showbiz

Naaalala niyo pa ba ang dating beauty queen na si Merlinda Joanna Gallardo o mas kilala ng lahat na si Dindi Gallardo? Isa siya sa mga itinanghal na Binibining Pilipinas dito sa ating bansa.




Si Dindi Gallardo ay itinanghal na Binibining Pilipinas noong taong 1993 na kung saan kasabay ng pagtanghal sa kanya nito ay itinanghal rin na Binibining Pilipinas-World ang hanggang ngayon na aktres na si Ruffa Gutierrez. Sa kanyang pagkapanalo bilang Binibining Pilipinas 1993 ay siya ang naging kalahok ng ating bansa sa Miss Universe ng taong ding iyon sa ginanap sa Mexico City.

Image Credit via Google

Dahil sa pagiging isang beauty queen ay nagbukas kay Dindi ang oportunidad sa showbiz at makaroon ng pagkakataon na magka-pelikula na kanyang pinagbidahan. Isa rin siya sa mga aktres na naging kilalang sexy star noong taong 90’s. Ilan naman sa kanyang hindi malilimutang pelikula ay ang Nang Iwan Mo Ako noong 1997 at Katawan noong 1999.

Image Credit via Google

Gumanap rin siya bilang si Dyesebel taong 1996 na kung saan ay isa ito sa kanyang mga pelikula na talagang tumatak sa mga manonood pati na rin sa kanya.Ngunit ano na nga kaya ang buhay ngayon ng dating beauty queen? At saan na kaya siya ngayon naroroon?

Image Credit via Google

Sa isang artikulo ng GMA taong 2012 ay naiulat na ang dating beauty queen na si Dindi Gallardo ay nag-aral ng Fashion Design and Merchandising sa bansang San Francisco noong taong 1989. SA paghahanap ng kanyang sarili “soul searching” ay napadpad ang aktres sa bansang Europe.

Taong 2003 naman ng magdesisyon ang sinabing beauty queen na magtungo sa New York upang doon na mamalagi. Sa bansang ito New York nagkaroon ng trabaho bilang artist’s assistant si Dindy ngunit siya ay agad na huminto sa trabaho niyang ito upang makapaghanap ng mas maganda pang trabaho sa malalaking kumpanya roon pero bigo siyang matanggap sa kumpanyang kanyang pinag-aapplyan kaya nakaramdam siya ng pagka upset.

Ngunit dahil sa kanyang pagsusumikap na makagpahanap ng trabaho sa isang maayos na kumpanya ay nagpapasalamat siya sapagkat napunta siya sa isang maayos na trabaho na kung saan ay kasundo niya ang kanyang boss at napromote pa siya ng dalawang beses.

Ayon kay Dindi ay hindi alamng kanyang boss na siya ay isang dating aktres at naging beauty queen sa Pilipinas, nalaman lamang ito ng isa sa mga kababayan nating Pinoy ang nakakilala sa kanya at humingi ng autograph.

Nagkaroon rin ng pagkakataon si Dindi na makabalik at magkaroon ng ilang roles sa mga pelikula katulad na lamang ng “Dahlin Nick” na istorya ng buhay ni Nick Joaquin isang tanyag na National Artist for Literature na kung saan ay ginampanan niya ang role bilang si first lady Imelda Marcos. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na lumabas sa Ipaglaban Mo sa Kapamilya Network noong 2018, at sa isang TV Series na The Blood Sisters.




Nakapag-asawa na rin ang dating beauty queen at ito ay sa katauhan ni Eric Mills na nasa restaurant industry naman at ito ay nakilala niya nong siya ay nag-aaral sa Fashion School sa San Francisco at ayon pa kay Dindi ay noon pa lamang ay malaki na ang pagkagusto sa kanya ng kanyang napangasawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.