Dating Beauty Queen Na Si Wynwyn Marquez Nag Training Para Maging Reservist Ng Philippine Navy

Ang dati beauty queen na si Wynwyn Marquez ay nagsisimula na sa kanyang training sa Philippine Navy, upang siya ay maging isang reservist. Si Wynwyn Marquez o mas kilala sa kanyang tunay na pangalan na Teresita Ssen Marquez ay anak ng aktor na si Joey Marquez sa aktres na si Alma Moreno.



Matatandaan na noong buwan ng Pebrero ng kumpirmahin ni Wynwyn sa kanyang Instagram post na siya ay nag-enroll sa military training upang ipakita kung ano ang maaring maitulong ng kababaihan para sa ating bayan.
Photo Credit: teresitassen/Instagram
At ngayon nga sa kanyang bagong Instagram post ay ibinahagi ng dating beauty queen na siya ay nagsisimula na sa pagta-training. Ilang mga larawan na kung saan ay kasama niya ang kanyang mga batchmates at larawan kung saan siya ay gumagawa ng drills ang ibinahagi ni Wynwyn sa kanyang Instagram.
Photo Credit: teresitassen/Instagram
Ayon pa nga sa Instagram post ng aktres, ay naitalaga rin siya bilang presidente ng kanilang batch. “BCMC CLASS 01 2020 – Class President, Marquez. Hooyah! #OhNavyReserveForce”, ang naging caption nga ni Wynwyn sa kanyang Instagram post.
Photo Credit: teresitassen/Instagram
Ibinahagi rin ni Wynwyn sa kanyang mga followers at mga tagahanga, na walang dapat ipag-alala ang mga ito, dahil sa may “strict protocol” na sinusunod sa training. Dumaan rin umano ang lahat sa rapid test, bago pa man magsimula o may gawing training.
Photo Credit: teresitassen/Instagram
Ayon pa sa dating beauty queen ay marami sa mga netizens ang nagtatanong kung bakit niya naisipan ang pumasok sa PH Navy. “People are asking me, why I want to do this… I simply said because I want to…. That’s it..” saad nga ni Wynwyn.
Photo Credit: teresitassen/Instagram



“No need for explanations” “We don’t need to justify what we want to do, we can just show them what WE WOMEN CAN DO” naging pahayag pa nga ni Wynwyn. Kasabay nga ng caption na ito, ay nilabasan ito ni Wynwyn ng kanyang larawan na kuha sa Naval Reserve Command Headquarters sa Manila, kung saan ay kasama niya sa larawan ang kanyang fellow actor na si Coco Nacino.
Photo Credit: teresitassen/Instagram
Ayon pa nga kay Wynwyn, si Rocco ang nagbukas sa kanyang mga mata upang maging bahagi ng nasabing programa. Isa na nga si Wynwyn sa mga artistang napabilang sa mga naging reservists.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *