Dating Child Star Alyanna Angeles Isa Ng Ganap Na Dalaga Ngayon

Naaalala niyo pa ba ang dating child star na si Alyanna Angeles? isa sa mga cute at magandang child star noon na laging ipinapareha kay Zaijan Jaranilla. Isa din siya sa hinahangaan ng mga kabataan dahil sa kanilang angking ganda at galing sa pag-arte. Dahil sa kanilang angking charm at talento bilang isang child star hindi na nga mabilang ang mga role na kanyang ginampanan.

Image Credit Via Google




Ilan sa kanyang hindi malilimutang role na ginampanan sa telebisyon ay ang pagiging Andrea “Andi” H. Dela Vega sa Pinoy Version noon na “Maria La Del Barrio” noong taong 2011. Ang kanyang role dito ay ang anak ng mga bidang sina Erich Gonzales bilang si Maria Hernandez Dela Vega at Enchong Dee namam bilang Fernando Dela Vega.

Image Credit Via Google

Matapos na naman ang nasabing seryeng Maria La Del Barrio, ay muli namang lumabas si Alyanna sa isang Fantaserye, at ito ay ang Juan Dela Cruz noong 2013. Dito ay ginampanan ng nasabing childstar ang batang Erich Gonzales na magiging kapareho naman ng bida sa serye na si Coco Martin.

Image Credit Via Google

Hindi rin malilimutan ang mga naging pag ganap niya bilang batang Kim Chiu sa Abs-Cbn series na “The Story of Us” at “Ikaw Lamang”. Kilala din siya bilang laging naka kapareha ni Zaijan Jaranilla. Si Alyanna din ay kilala bilang pamangkin ng actress at dating “Darna” na si Angel Locsin.

Image Credit Via Google

Ngayon nga ang dating childstar ay ganap ng isang dalaga at ito ay makikita base na rin sa kanyang mga larawang ibinabahagi sa kanyang social media na kung saan ay talaga namang makikita ang pagbabago nito mula sa isang cute na bata na ngayon ay nakakatangkad na at lalo pang gumanda si Alyanna sa kanyang pagdadalaga.

Image Credit Via Google

Sa kanyang mga larawan ay makikita na ang dating child star na napaka cute ay umusbong na ngayon na isang napakaganda at napakasexy na dalaga. Hindi na magiging katakataka kung sa mga darating na araw ay tahakin ang dalaga ang bagong karera at gampanan ang mga bagong role na maari ng ibigay sa isang teens na kagaya niya.




Marami namang netizens ang natuwa at napahanga dahil ang dating cute child star na hinangaan nila noon sa galing sa pag-arte ay lumaking napakaganda at napakasexy na dalaga ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *