Dating Child Star Na Si Clarence Delgado Ginulat Ang Mga Netizens Sa Kanyang Teenage Looks Ngayon

Natatandaan nyo pa ba ang child star na si Clarence Delgado? Siya ay isang cute at chubby child star noon na madalas nating napapanood sa kid’s show na “Goin’ Bulilit.

Si Clarence William Delgado o mas kilala ng publiko bilang si Clarence, ay isang pinoy na batang aktor na unang nadiskubre at sumikat ng siya ay maging kalahok at nagwagi bilang The Male Winner sa Star Circle Quest noong taong 2011.




Ang kanyang naging pagwawagi, ang naging daan ng kanyang pagsisimula sa showbiz industry kung saan nga ay kabilang siya sa “Goin’ Bulilit”, at maliban pa dito ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapabilang sa ilang mga TV serye at pelikula.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Ilan nga sa mga malalaking pelikula na kinabibilangan ni Clarence au young “Way Back Home” na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Julia Montes at ang “The Mistress”, kung saan naman niya kasama si Bea Alonzo na bida siyang sa nasabing pelikula.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Hindi nga lamang talento sa pag-arte mayroon si Clarence, dahil maging ang pagiging isang host ay nasubukan rin niya, ng siya ay maging isa sa segment host ng Umagang kay Ganda.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Matatandaan na ang huling naging paglabas ng nasabing childstar sa telebisyon ay s noong mapabilang siya sa Wansapanataym, at ang kanya namang naging huling paglabas sa big screen ay noong mapabilang siya sa pelikula na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Can’t Help Falling In Love”.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Sa ngayon ay pahinga muna sa kanyangs showbiz career si Clarence dahil mas binigyan niya ng pokus ang kanyang pag-aaral. Ngunit sa ilang taon na siya’y hindi natin nasisilayan sa telebisyon, ano na nga kaya ang itsura ngayon ng dating chubby at cute na cute na si Clarence Delgado.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Ngayon nga ay nasa 15-taong gulang na si Clarence, at kamakailan lamang ay muling nagbigay ingay sa online world ang kanyang pangalan dahil sa napansin ng mga netizens ang naging malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Mula nga sa cute at chubby na bata na kinagigiliwan natin noon, ay isa ng teenager ngayon si Clarence, at ang mas nakakatawa pa ay talagang maging ang pangangatawan nito ay naging pang teenager na dahil sa hindi na ito chubby at mas lalo pa ngang naging pogi.




Pagdating naman sa kanyang pag-aaral, ay talaga namang masasabi natin na isa siyang mahusay na bata, dahil sa hindi siya nawawala sa mga may karangalang natanggap sa kanilang klase.

Photo Credit: clarencedelgado/Instagram

Sa naging panayam noon kay Clarence, ay sinabi niya na hindi niya pinangarap ang maging “Big Star.” Makikita na natin sa mga larawan ngayon ni Clarence na napakalayo na ng dati niyang chubby na katawan sa kanyang pangangatawan ngayon kung saan ay mas bagay naman ito sa edad niya ngayon na nagbibinata na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *