Dating Child Star Na Si Ella Guevarra Lumaking Napakagandang Dilag At Isa Ng Red Cross Member Ngayon

Sino nga ba ang makakalimot sa cute na batang si Ella Guevara o Janella Denise Yuson Guevarra sa tunay na buhay sa kanyang mahusay na pag-arte sa industriya ng showbiz?




Edad na 6 na taong gulang ay sumabak na si Ella sa mundo ng showbiz. Una natin siyang nasilayan sa GMA, nang sumali siya sa reality talent show na Starstruck Kids. Ngunit, nabigo si Ella na makuha ang titulo sa nasabing programa.

Image Credit via Google

Bagama’t, hindi siya ang nagwagi, pinatunayan naman niya ang kanyang husay at talento kaya naman bumuhos sa kanya ang kabila’t kanang mga proyekto.

Image Credit via Google

Dahil nga, taglay naman ni Ella ang talento ng isang artista, itinanghal siya noon bilang Best Child Actress sa 5 magkakasunod na taon. Ipinamalas nga ni Ella ang kanyang natatanging talento sa pag-arte at mas lalo pa siyang nakilala ng publiko.

Image Credit via Google

Dahil nga sa kanyang husay sa pag-arte, nagkamit rin siya ng parangal sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Best Child Performer of the year noong 2004.

Image Credit via Google

Kasama rin dito ang parangal na Most Popular Child Actress 2005 sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards, Best Child Actress Of the year 2006 (FAMAS Awards), taong 2007 naman bilang Most Popular Child Actress sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards.

Image Credit via Google

Ngunit, matapos ng kanyang matagumpay na karera bilang Child star ay nasaan na kaya siya ngayon? Bagama’t, naging matagumpay ang karera ni Ella sa industriya ng showbiz bilang artista.

Image Credit via Google

mas pinili parin niyang iwan ang mundo ng showbiz at magpokus na lamang sa kanyang pag-aaral. Siya nga ay isang full-time student ngayon sa University of the Philippines kung saan ay kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Multimedia Studies.

Image Credit via Google

Kung noong nasa industriya ng showbiz si Ella ay hinahangaan na natin siya, mas lalo naman siyang hahangaan ngayon sa kanyang mga mabuting ginagawa.




Hindi lamang sa pag-aaral nakatuon ang pansin ni Ella kundi maging sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa kasalukuayan ay isa siya sa mga miyembro ng Red Cross matapos niyang sumali bilang isang Red Cross Junior Volunteer.

At ngayon nga, malayo na ang narating ni Ella, hindi maikakaila na labis siyang ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang. Samantala, masaya na siyang namumuhay ng simple at tahimik ngayon. Matapos naman ang maraming taong di natin siya nasilayan, ang cute na bata na ating napanood noon ay isa na ngayong ganap at napakagandang dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *