Natatandaan niyo pa ba ang isa sa mga dating child star na kinagigiliwan noon sa telebisyon na si Goyong? Matagal na ring walang balita ang publiko sa kanya.
Hindi lingid sa marami sa atin na ilan sa mga sikat na child star noon ang ngayon ay hindi na natin nasisilayan sa telebisyon, ito nga ay dahil mas pinili nila ang buhay na malayo sa mundo ng showbiz. Isa na nga sa mga ito ay ang kinagigiliwang child star noon na si Goyong.
Si Goyong o sa tunay na buhay ay kilala bilang si Steven Claude Goyong ay isa sa mga batang 90’s na kinagiliwan noon ng maraming mga manonood. Ang kanyang karera bilang isang child star ay nagsimula noong sumali siya sa “That’s My Boy”, isang kumpetisyon noon ng mga kabataang lalaki sa noontime show na Eat Bulaga.

Agad nakuha ni Goyong ang loob ng maraming mga manonood, dahil sa kanyang natural na pagiging magiliw na bata. Matatandaan na isa sa talagang kinaaliwan ng marami kay Goyong, na naging daan para siya nga ay mas makilala pa ng publiko, ay ng kanyang sayawin ang bersyon niya ng kantang Pepito sa final performance niya sa That’s My Boy Grand Finale noong taong 1998.

Hindi man niya nasungkit ang grand prize, ay naging 1 st runner up naman si Goyong at dahil nga sa kanyang pagiging isang magiliw na bata ay nakuha niya ang loob ng maraming mga manood na naging daan para makilala siya bilang isang child star noon sa showbiz.
Samantala, makalipas ang mahabang panahon, ay nito nga lamang nakaraan ay tila muling binalikan ni Steven Claude Goyong ang kanyang kasikatan noon bilang isang child star.

Kamakailan kasi ay naging usap-usapan siyang muli, dahil sa ini-upload niyang video sa kanyang TikTok account kung saan ay ine-recreate niya ang sumikat niyang sayaw noon na Pepito.

Marami namang mga netizens na nakanood ng videong ito ni Goyong ang muling naaliw sa kanya at naalala rin kung gaano siya kinagigiliwan noong siya ay bata pa. Makikita naman ngayon kay Goyong na ganap na itong binata. Tunay naman na masayang balikan ang ating kabataan, at mga karanasan noon, kagaya na lamang nga ng ginawa ni Goyong.