Dating Child Star Na Si Sarah Abad Astig Mommy Ang Awra Dahil Sa Kanyang Napakaraming Mga Tattoo

Tila muli ang gumagawa ng paraan ang dating child star na si Sarah Abad na makabalik sa mundo ng showbiz. Marahil ay marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na nakikilala si Sarah Abad, ngunit kung ikaw ay isang batang 90’s ay malamang natatandaan mo pa siya, dahil isa siya sa mga sikat at popular na child star noong taong 90’s.




Ilan sa mga kasabayang child star ni Sarah Abad noon sa showbiz ay sina Antoinette Taus at Tom Taus Matatandaan na ang kauna-unahang pelikula na kanyang kinabibilangan bilang isang child star noon ay ang “Kung Ako’y Iiwan Mo”, kung saan ay gumanap siya bilang isa sa mga anak ng karakter nina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino.

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Isa rin sa mga naging mahusay niyang pag-ganap at hindi malilimutan na naging karakter niya ay ng gumanap siya bilang may sakit na Leukemia na anak nina Christopher De Leon at Dawn Zulueta sa pelikulang “Kung Mawawala Ka Pa.’”

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Ilan pa sa mga pelikula kung saan ipinamalas ni Sarah Abad ang kanyang pagiging isang mahusay na child star noon ay sa action movie na “Tunay na Magkaibigan Walang Iwanan… Peksman” noong taong 1994, kung saan ay kasama niya ang mga mahuhusay ring aktor na sina Vic Sotto at Philip Salvador.

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Si Sarah Abad ay nakababatang kapatid ng isa rin sa mga mahuhusay na aktres sa showbiz, at ito nga ay ang “Tabing-Ilog” star na si Kaye Abad.

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Napangasawa niya ang Kamikaze frontman na si Jay Contreras, ngunit matapos ang 11-taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay nauwi ito sa hiwalayan noong buwan ng Marso taong 2020.
Minsan na ngang nag-viral ang dating mag-asawa, ito ay ng ibahagi nila ang kanilang kakaibang prenuptial photo kung saan ay pareho silang nakasuot ng wedding gown, at ang kanila ngang larawan ay kinunan sa sementeryo.

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Samantala, sa 11-taon ngang pinagsamahan nina Sarah at Jay, ay pinagkalooban sila ng dalawang anak, ito nga ay sina Kidlat Caio at Isla Euan. Kahit nga hiwalay na ang dating mag-asawa, ay sinisigurado naman nila na maayos ang kanilang samahan bilang mga magulang ng kanilang dalawang anak.

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Sa ngayon naman, ay kapansin-pansin ang pagiging isang astig mommy ni Sarah Abad, ito ay dahil sa pagkahilig niya sa pagpapatattoo sa kanyang katawan. Ang mga malikhaing tattoo nga sa kanyang katawan ay gawa ng tattoo artist na si Joel Rocafort.

Photo Credit: abadsarah/Instagram

Madalas na ang bandera ni Sarah ang kanyang katawan na tinadtad na ng tattoo, kung saan ay taglay pa rin ang pagkakaroon nito ng magandang hubog ng katawan. Maliban sa pagkahilig niya sa pagpapa-tattoo ay kinahihiligan rin ngayon ng dating child star ang pagkuha ng mga magagandang larawan o “photography.”




Mula sa pagiging isang child star noon, ay nagbabalik showbiz na nga si Sarah ngayon bilang isang aktres, at siya’y napanood na natin sa mga pelikulang “We Will Not Die Tonight”, na pinagbidahan ni Erich Gonzales. Nabibilang rin siya sa mga pelikulang, “Bloody Crayons” at “Historiographical Errata.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *