Dating Child Star Na Si Xyriel Manabat Isa Ng Napakagandang Dilag Ngayon

Sino nga ba naman ang hindi makaka-alala sa isang napakagandang serye ng ABS-CBN noon na “May Bukas Pa”, kung saan ito ay isang serye na punong-puno ng magagandang aral para sa mga manonood. Isa ito sa mga seryeng unang nakita ang batang bibo at may angking galing sa pag-arte na si Xyriel Manabat.

Photo Credit: manabatxy/Instagram




Gumanap siya dito bilang si Bea Aragon at kasama niya dito ang isang batang childstar din noon na si Santino Guillermo.

Photo Credit: manabatxy/Instagram

Si Xyriel Manabat ay isa sa mga sikat na childstar noong siya ay bata pa, ngunit alam niyo ba na ngayon ay isa ng napakagandang dalaga ang childstar na ito?Ngunit nasaan na nga ba siya ngayon?

Photo Credit: manabatxy/Instagram

Kung ating babalikan, ay hindi na rin mabilang ang mga proyekto at serye na kung saan ay may ginampanan na karakter ang dating child star na si Xyriel Manabat. Isa sa kanyang mga ginampanang karakter noon ay ang “Momay”, isang fantasy drama series ng ABS-CBN noong 2010.

Photo Credit: manabatxy/Instagram

Ilan pa nga sa mga proyektong kanyang kinabibilangan ay ang 100 days to Heaven na gumanap siya bilang ang batang si Madam Ana at ang Ikaw ay Pag-ibig na gumanap naman siya bilang si Angelica.

Marami ding pagkakataon na lumabas siya sa mga episodes ng ABS-CBN Fantaserye Ng Wansapanataym. Ilan sa mga episode ng siya ay lumabas ay ang Christmas Tablet, Petrang Paminta at marami pang iba.

Ang pinaka latest na proyekto na ginawa si Xyriel Manabat ay noong 2017 kung saan siya ay gumanap na batang Ivy Aguas sa seryeng”Wildflower”.

Marami nga sa atin ang hindi nasubaybayan ang pagdadalaga ng child actress na ito sa telebisyon, kaya talaga namang marami ang nasurpresa ng sa kanyang social media account ay makita ang napakaganda at dalagang-dalaga na ngayon na si Xyriel Manabat.

Sa kanyang Instagram account ay may larawan si Xyriel na kung saan ay umani ng magagandang komento mula sa mga netizens. Sa larawang ito ay nakasuot ang dating child actress na ngayon ay dalaga na, ng short na nakafit dress ng pang itaas at takong ang kanyang sapatos.

Talaga namang umani ng komento ng paghanga mula sa mga netizens ang larawan na ito ng ngayon ay dalagang-dalaga ng si Xyriel Manabat. Ilan pa nga sa mga nagkomento ay ibinahagi ang kanilang pagkamangha sa nakikita na pausbong na pagdadalaga ni Xyriel.

Matatandaan naman na sa mga proyektong ginawa ni Xyriel Manabat ay nakatanggap din ang dating child actress ng mga parangal dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte. Nasungkit niya noon ang Child Actress Award sa 36th Metro Manila Film Festival.

Ang parangal na ito ay nakuha niya dahil sa kanyang pag-ganap sa role niya sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo, Last na Toh kung saan kasama niya ang beteranang komedyanteng si Ai Ai Delas Alas.

Nakasama rin si Xyriel sa pelikulang “Ilawod” ni Direk Dan Villegas na isang Indie Film. Sa supernatural thriller film na ito ay nakakatawang ang naging pangalan din ng kanyang role ay si BEA, ang isa sa mga naging pangalan niya din noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya.




Marami naman sa mga netizens at dating tagahanga ng dating child star ang nag-iingay sa mga susunod na pangyayari sa karera ni Xyriel dahil lam nila at nakita nila ang galing at talento ng dating chipdstar a mga naging experience nito sa mga nagawang proyekto noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *