Dating Child Star Ng Goin’ Bulilit Sharlene San Pedro Ibinahagi Ang Simpleng Pamumuhay Sa Probinsya

Ang Goin’ Bulilit ay isa sa mga Gag show ng ABS-CBN network noon, kung saan ay mapapanood rito ang mga bibong kabataan na nagbibigay saya sa mga manonood dahil sa kanilang mga angking talento sa pagpapatawa.



Isa nga sa mga bibong bata noon sa Goin’ Bulilit na nagbibigay aliw sa atin, ay si Sharlene San Pedro. Matatandaan na unang nasilayan sa telebisyon si Sharlene San Pedro ng mapabilang siya sa mga naging kalahok ng Star Circle Quest: Kids Edition noong taong 2004, kung saan ay nagwagi rin siya sa kompetisyon na ito bilang 1st runner up.
Image Credit via YouTube
Matapos nga ang nasabing kompetisyon, ay maraming oportunidad at mga proyekto sa showbiz ang nagbukas para kay Sharlene, kung saan ay mas lalo pa niyang ipinakita ang kanyang angking talento at galing sa pag-arte.
Image Credit via YouTube
Hindi nga lamang sa kanyang magaling na pag-arte hinahangaan si Sharlene, dahil maliban dito ay mayroon rin siyang talento sa pagiging isang mang-aawit at sa katunayan ay mayroon na siyang mga nagawang kanta.
Image Credit via YouTube
Sa ngayon, na wala masyadong proyekto ang dalagang si Sharlene San Pedro, dahil sa krisis na kinakaharap natin ngayon, ay pinasok na rin niya ang mundo ng vlogging kung saan ay isa ito sa mga naisip niyang gawin upang makapagbigay siya ng update sa kanyang mga tagahanga, tungkol sa mga bagay na pinag kaka-abalahan niya ngayong may quarantine.
Image Credit via YouTube
Isa nga sa mga naitampok ni Sharlene sa kanyang vlog, ay ang simple at masayang pamumuhay ngayon ng kanyang pamilya sa probinsya.
Image Credit via YouTube
Sa kanya ngang vlog ay ipinakita ni Sharlene ang masaya at simple nilang pamumuhay ngayon ng kanyang pamilya. Kabilang pa nga sa kanyang ipinakita, ay ang magagandang tanawin mula sa kanilang tahanan sa probinsya, tulad na lamang ng kanilang malawak na bakuran na mayroong mga tanim na gulay.
Image Credit via YouTube
Ayon nga sa dalaga, ang mga nakikitang pananim na gulay sa kanilang bakuran ay ang kanyang mommy mismo ang nagtanim.
Image Credit via YouTube
Maliban pa nga sa mga ito, ay ipinakita rin ni Sharlene sa kanyang vlog ang naging pamimitas niya ng mga bunga sa pananim ng kanyang mommy. Tulad na lamang ng pag-ani niya ng bunga ng ampalaya at okra, at maging ng calamansi kung saan ayon sa kanya ay gagamitin niya panglagay sa toyo na magiging sawsawan nila.
Ipinakita rin ni Sharlene sa kanyang vlog, na mayroong ilog sa ibabang bahagi ng kanilang tahanan, na kung saan ay dito umano madalas nangingisda ang kanyang ama.



Makikita naman na pagsapit ng tanghalian, ay isang nakakatakam na pananghalian ang inihain ng pamilya ni Sharlene, dahil sa ang ilan sa mga nakahain rito ay mga gulay na mismong inani sa kanilang bakuran.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=4&v=VCZpaIATntw&feature=emb_logo
Isang boodle fight nga ang nakahanda sa hapagkainan ng pamilya, at ito ay kayang masayang pagsasamahan. Marami naman sa mga tagahanga ni Sharlene ang humanga sa dalagang actress, dahil sa pagiging simple nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *