Matagal na nating hindi nasisilayan sa telebisyon ang sikat na modelo noon at naging co-host din ng Eat Bulaga na si Alicia Mayer o sa tunay na buhay ay si Catherine Gutierrez. Ito nga ay dahil tinalikuran na niya ang kanyang buhay sa showbiz at pinili na ngang mamuhay ng tahimik sa ibang bansa.
Si Alicia Mayer ay nagsimula muna bilang isang modelo bago pa man siya sumabak sa pag-arte. Taong 2003 ng siya ay maging Cover Girl ng FHM at taong 2004 hanggang taong 2006 naman ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang husay sa pagho-host ng siya nga ay maging isa sa mga co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga.

Isa sa mga ginampanang karakter ni Alicia na talaga namang tumatak sa maraming mga manonood ay ang pagiging si ‘Julianna’ niya sa soap opera noon na ‘Saang Sulok ng Langit’. Matatandaan din na naging parte siya ng ‘Lagot Ka, Isusumbong Kita’, isa sa mga popular na comedy show noon ng GMA-7, kung saan niya nakasama ang mga aktor na sina Richard Gomez, Raymart Santiago, Benjie Paras at Joey Marquez.

Sa kabila naman ng magandang karera sa pag-aartista ni Alicia, sa huli nga ay pinili niyang talikuran ang kanyang buhay showbiz, ito ay upang mamuhay na ng tahimik sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya. Si Alicia at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak ay nakabase na ngayong sa Los Angeles, California.

Ayon sa ulat, ang mister ni Alicia ay nakilala niya onlie, at makalipas nga lamang ang ilang taon matapos nilang magpakasal at bumuo ng pamilya ay sinakripisyo na nga niya ang kanyang kasikatan at mga ari-arian dito sa Pilipinas upang manirahan na nga sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Naibahagi nga noon ni Alicia sa isang panayam sa kanya ni Chris Tan kung paano nga nagsimula ang relasyon nila ng kanyang mister, at kung paano soya dumating sa punto na kailangan na niyang i-give up ang mga ari-arian niya na narito sa Pilipinas dahil sa nahirapan nga siyang i-manage ito dahil sa Amerika na siya naninirahan.
“I think we met December 2013 tapos eksakto pupunta siya ng Philippines so when he went to the Philippines we decided to m𝔢et up, so nagmeet-up kami one time lang, nagkita kami sa dun sa Peninsula ano yung b𝔞r dun sa may lobby, may b𝔞r dun sa lobby eh sa Peninsula.”
“So dun kami nagpunta and then after that eksakto na I was gonna visit my sister here in March so after 3 months nagpunta ako dito kasi bakasyon ng schooling dyan. We stayed here for 2 months tapos dun na nag-d𝔞te kami dito. So when we dated here, dun kami lalong naging parang sure dun sa relat𝔦onship namin,” sa isang panayam sa kanya ni Chris Tan.
“Went to the Philippines, we’d𝔞ted for another year and then after that, we worked on my me moving there, would you believe like, as in iniwan ko yung work ko, my prop𝔢rty is still in the Philippines.”
Dagdag pa niya, “Meron pa akong bahay dyan tapos sabay ko yung bus𝔦ness kasi I have a salon in SM, I ran that for 2 more years nung nagmove ako dito but then after that I find it hard na i-ran yun from here so I had to close it tapos yung mga friends ko na very important to me, I had to leave.” Hindi naman nahirapan si Alicia na mag-adjust sa Amerika dahil ang kanyang ina at kapatid na babae ay nasa nasabing bansa rin, kaya naman may pamilya siyang maari niyang takbuhan doon.