Dating Goin Bulilit Star Na Si Sharlene San Pedro Proud Na Ibinahagi Ngayon Ang ‘Road To Graduation’

Isa na namang panibagong achievement sa kanyang buhay ang proud na ibinahagi nito lamang nakaraan ng dating Goin Bulilit Star na si Sharlene San Pedro, at ito nga ay walang iba kundi ang kanya ngang pagtatapos sa kolehiyo.Makalipas nga ang halos ilang buwan ng pagpupuyat at paghihirap ay malapit na nga makamit ni Sharlene ang diplomang kanyang inaasam.




Sa Twitter account ng 23-taong gulang na Sharlene ay makikita nga ang pagbabahagi niya ng magandang balita na ito, kung saan ay kanya ngang ibinahagi ang larawan niya na nagpapakita ng naging online defense niya via zoom kasama nga ang kanyang professor.

Photo Credit: sharlenesanpedro1/Instagram

Makikita naman sa isang screen ang naging pagbabahagi ni Sharlene ng titulo ng thesis defense na kanyang ginawa, kung saan ay marami nga ang mga netizens na naka-relate.
“Thesis defended. Road to graduation”, ang naging caption nga ni Sharlene sa kanyang Twitter post.

Photo Credit: sharlenesanpedro1/Instagram

Si Sharlene ay kumuha ng kursong AB Psychology sa AMA University’s Online Education system at ang titulo nga umano ng kanyang thesis na ginawa at idenefend ay “In The Limelight: A Phenomenological Study on the Social Media Bashing Experience to the Emotional Health of Selected Public Figures.”

Photo Credit: sharlenesanpedro1/Instagram

Ang Thesis nga na ito ng dating Goin Bulilit Star ay tunay namang tumutugma sa pinagdadaanan ng karamihan sa atin ngayon, lalo na nga’t halos malaking parte ng buhay natin ngayon ay umiikot na rin halos sa online. Dahil nga sa social media ay nagiging mas madali na sa iba na ma-acess ang buhay natin, dahilan para magkaroon din sila ng pagkakataon na tayo ay siraan.

Photo Credit: sharlenesanpedro1/Instagram

Ayon sa ulat buwan ng Marso taong 2019 pa ng simulant ni Sharlene ang thesis niyang ito, at hindi nga naman biro ang kanyang ginawang survey at pag-aaral para rito, kung kaya naman ngayon na siya ay nakapasa na sa kanyang thesis defense ay talaga namang labis ang kaligayahan niya sapagkat naging ‘worth it’ naman talaga ang pagpapapagod, pagpupuyat at mga pagtitiis niya sa pag-aaral.




Marami namang mga netizens ang natuwa para kay Sharlene sa panibago nga niya na achievement sa kanyang buhay. Sa pagtatapos nga na ito ni Sharlene sa kanyang kurso sa kolehiyo ay pinatunayan niya na hindi lamang nga siya sa pag-arte at pagkanta mahusay dahil may angking katalinuhan din siyang taglay, at ang pruweba nito ay ang pagkapasa niya sa kanyang oral defense. Congratulation Sharlene!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.