Dating Goin’ Bulilit Star Trina Hopia Legaspi Masayang Ibinahagi Ang Kanyang Engagement

Nito ngayong ika-22 ng Nobyembre ay naging emosyonal ang dating Goin’ Bulilit star na si Trina Legaspi, o mas kilala ng publiko bilang si “Hopia”, sa hindi inaasahang wedding proposal na ginawa ng kanyang boyfriend para sa kanya.




“Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!”, ang isa sa mga salitang ibinahagi ni Hopia, sa kanyang facebook post, kung saan ay kasabay rin ng pagbabahagi ng mga larawan na kuha sa nangyaring proposal.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Sa halos 6-taon na ngang relasyon ni Hopia sa kanyang boyfriend na si Ryan Jarina, ay engage na ngayon ang dalawa, ito ay matapos nga ang naging proposal ng binata sa dating Goin’ Bulilit child star.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Makikita nga sa Facebook page ng ni Hopia, ang ilan sa mga naging kaganapan sa wedding proposal na naganap, kung saan ay naroroon ang kanilang kapamilya, at malalapit na kaibigan at nasaksihan ang napakasayang pangyayaring ito sa buhay nilang magkasintahan.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Narito naman ang naging kabuuan ng naging Facebook post ni Hopia, patungkol sa pagiging engage na nila ng kanyang boyfriend.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

“11/22/20 6 years together and forever!!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES!
“I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong magtravel na tayong dalawa lang! Yey!!!

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

“Grabe, Babe, na-surprise talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di para sa akin ‘yung proposal! Hahaha! I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!!!”

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

“Thank you, Lord, for giving me my destined partner. It’s worth the wait talaga! I love you fiancée!! Yes fiancée na. any hashtag suggestions? Ang mapipili may special gift from us!”
Ito nga ang masayang naging pagbabahagi ng dating Goin’ Bulilit star, gamit ang hashtag na #KatRyanKoyIkaw at #DiHopiasiRyan.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Ilang mga larawan nga na kuha, sa nasabing wedding proposal ang nagpakita ng pagiging emosyonal ni Hopia, kung saan ay hindi nito napigil ang mapaluha sa sobrang kaligayahang nadarama ng mga sandaling lumuhod na ang kanyang boyfriend at tanungin na siya nito kung papayag ba siya na pakasalan ito.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Samantala, ilang araw naman matapos ang naganap na wedding proposal ay nag-post si Hopia sa kanyang YouTube channel ng mukbang vlog, at kasama niya nga rito ang kanyang mga magulang na sina Daddy Ding at Mommy Minnie.

Photo Credit: trinalegaspi/Instagram

Sa nasabing vlog, ay may isang netizens naman ang nagtanong, kung ang mga magulang ba ni Hopia, ay handa ng mag-asawa ito. Ang katanungan ngang ito ay sinagot nina Daddy Ding at Mommy Minnie.

Saad nga ni Daddy Ding, para sa kanya ay handa na siya, at nasa tamang panahon na rin, dahil sa pareho ng tapos sa pag-aaral ang magkasintahan, at pareho rin na mayroon ng matatag na trabaho.




Pagbabahagi pa ng Daddy ni Hopia, mas na-realize din niya, na mas magandang magkaroon na siya ng apo, ngayon pa lang na malakas at bata pa siya, upang mas mahaba pa ang panahon na makakasama niya ang mga ito.

“Dapat medjo bata pa ‘yung lolo para makasama niya ng matagal ang kanyang mga apo. Tapos kami naman, nakasubabay, nakasuporta para maging successful ang marriage niyo ng iyong future husband”, ani Daddy Ding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *