Dating Guwardiya Noon, Ngayon Ay Reyna Na Kilalanin Siya!

Sa ating buhay, may mga pangyayaring maaaring magbago ng takbo ng ating buhay: masama o mabuti. May mga taong hindi biro ang pinagdaanan bago marating ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon. May mga tao na biglang yumaman: maaaring ito ay dahil nanalo sa lotto o kaya’y naging reyna ng isang kaharian.




Ito ang kwento ng isang dating flight attendant, na naging guwardiya, at nito lamang ay naging reyna. Tatlong araw bago ang nakatakdang pagkorona sa kasalukuyang hari ng Thailand na si King Maha Vajiralongkorn, sinulat niya ang buong bansa ng pakasalan niya ang punong-guwardiya ng kanyang kaharian na si Queen Suthida.

Matapos kasi pumanaw ang kanyang amang si King Bhumibol Adulyadej noong Oktubre ng taong 2016, kinakailangan niyang makoronohan bilang bagong hari ng Thailand ayon na rin sa batas. Kilala rin si Vajiralongkorn bilang si King Rama X. Ngunit bago niya pa man pakasalan si Suthida ay tatlong beses na itong nagpakasal at kasalukuyang may 7 anak sa tatlong dating asawa.

Si Suthida ay dating flight attendant ng Thai Airways bago pa siya pumasok bilang guwardiya ng palasyo noong 2013. Taong 2014 ng italaga siya ni Vajiralongkorn bilang deputy commander ng kanyang mga guwardiya. Matagal ring naging magkasintahan ang dalawa, bagama’t hindi ito pormal na relasyon, palagi silang nakikita sa publiko na magkasama. Dalawang buwan matapos pumanaw ang kanyang ama, ginawa ni Vajiralongkorn na ganap na heneral si Suthida ng Royal Thai Army.

Kasama naman sa mga dumalo sa kanilang kasal ay ang miyembro ng pamilya at ang mga tagapayo ng palasyo. Maliban pa rito, tinutukan rin sambayanan ang kanilang kasalan sa pamamagitan ng telebisyon. Matapos buhusan ng sagradong tubig ang ulo ni Sathida, sabay silang pumirma sa pagpapatala ng kanilang kasal.
Mula sa pagiging guwardiya, si Suthida ay isa na ngayong ganap na reyna ng isa sa mga kakaunting bansa na hanggang ngayon ay may monarkiya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *