Dating Hasht5 Member Na Si Xander Ford Arestado Dahil Sa EX-GF Niyang Nagsampa Ng Kaso

Araw ng Martes, Ika-22 ng Disyembre 22, lumabas ang balita na ang internet sensation at dating Hasht5 member na si Xander Ford, ay inaresto. Sa parehong araw, mga bandang gabi na, ay kinumpirma at pinatotohanan ito ng talent manager at Star Image Management ni Xander Ford.




Ayon nga sa lumabas na pahayag sa isang Facebook post, inaresto si Xander Ford, at ngayon ay nakakulong sa isang presinto sa Tondo, Maynila dahil sa lumabas na ang arrest warrant nito, patungkol sa kasong isinampa sa kanya ng kanyang dating nobya.

Image Credit via Google

Samantala, nilinaw naman ng management ng dating hasht5 member, na sa kabila ng pag-alis ni Xander sa kanila, at hindi na nito pakikipag-ugnayan, ay handa pa rin nila itong tulungan, na makalabas sa kulungan at ma-abswelto sa kasong isinampa sa kanya, kung siya talaga ay walang kasalanan.

Image Credit via Google

Ngunit dagdag ng mga ito, sa oras naman na lumitaw sa paglilitis ng kaso, na talagang may pagkakasalang nagawa ang kanilang artista, at napatunayan na dapat talaga itong makulong, ay wala daw silang magagawa, kundi ang panagutin ito sa kung ano man ang magiging desisyon ng hukuman.

Image Credit via Google

Iginiit rin ng management, na ang lumalabas na video kung saan ay makikita ngang nakakulong sa selda ang kanilang artista na si Xander Ford, ay hindi isang gimik o gawa-gawa lamang, dahil sa ito ay talagang naaresto at nakulong, dahil nga sa kasong isinampa ng dating nobya sa kanya.

Image Credit via Google

Dahil sa hindi nga naman madali ang buhay sa loob ng selda, ay inihayag ng management ni Xander Ford, na tatanungin pa nila kung maaari nilang piyansahan ang kanilang artitsa. Ito ay upang habang ang kaso nito ay dinidinig pa, ay hindi malaya pa ito, at hindi nararanasan ang hirap sa loob ng selda.

Image Credit via Google




Pakiusap naman nila sa publiko, na huwag basta-basta husgahan si Xander Ford, lalo pa’t wala pang anumag napapatunayan, kung ang kaso pag isinampa sa kanya ng kanyang daying nobya ay totoo. Hintayin muna umano na umusad ang pagdinig ng kaso nito.

Si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay, ay isang 23-taong gulang na Pilipinong aktor. Isinilang siya noong ika-11 ng Mayo taong 1997, sa General Trias Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *