Dating Journalist Na Si Steve Dailisan Isa Ng Ganap Na Piloto Ngayon

Si Steve Dailisan ay isa mga kinikilalang magagaling na TV Journalist ng GMA Network, ngunit dahil sa kanyang kagustuhang tuparin ang kanyang unang pangarap noon ay nilisan niya ang larangan ng pamamahayag na kung saan siya unang bumuo ng kanyang karera at pangalan.

Image Credit via Google




Marami nga ang nagtataka kung bakit hindi na muli kang nasilayan sa telebisyon ang dating TV Journalist. Nito ngang nakaraan ay sinabi nito ang dahilan ng kanyang pagkawala sa larangan ng pamamahayag at ito nga ay dahil siya ay nagdesisyon na subukan ang kanyang kakayahan sa ibang larangan.

Image Credit via Google

Hindi man naging madali ang kanyang naging pagsisimula sa bagong larangan na kanyang tinahak ay hindi naman siya nabigo dahil ngayong taon nga ay ganap ng Commercial Pilot ang dating Journalist at nakuha na niya ang kanyang lisesnya bilang piloto.

Image Credit via Google

Sa isang video na makikita sa Insight 360 ng Youtube ay mapapanood na noong pa lamang ay pangarap na ni steve Dailisan ang maging isang Piloto. Para sa dating Journalist ay nais niya na matupad ang pangarap niyang ito dahil pakiramdam niya ay pag hindi niya nagawa ng maging piloto ay parang may kulang sa kanyang pagkatao.

Image Credit via Google

Sa pagsisimula nga niya sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang piloto, ay marami ang mga bagay na dapat niya bitiwan o isakripisyo isa na nga sa mga ito ay ang iwanan ang kanyang trabaho na una niyang minahal na nagbigay sa kanya ng maayos na income at career.

Image Credit via Google

Sa kanyang pagsisimula din sa pagtupad ng kanyang pangarap ay parang nag back to zero o nagsimula sa scratch muli si Steve dahil ang pagiging isang Piloto ay malayong-malayo sa dati niyang trabaho na isang Journalist.

Image Credit via Google

Ibinahagi din ni Steve na sa pag-aaral niya ng pagpipiloto ay halos lahat na pinag-aaralan nila ay tungkol Math at Science. Dito din niya nalaman na importante ang pag-uugali at tamang pakikisama kung ikaw ay isang Piloto.

Si Steve Dailisan ay nagtapos ng kanyang kursong Journalism sa Polytechnic University of Philippines bilang isang Magna Cum Laude. Mataas man ang karangalang kanyang natamo noong siya ay magtapos, ayon kay Steve ay hindi pa rin nawala sa kanya na pagdudahan ang kanyang kakayahan.

Ngunit dahil na rin sa mas pinili niyang eenjoy ang kanyang mga ginagawa ay hindi naman siya nabigo at napagtagumpayan niyang tuparin ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay.
Naranasan din umano ni Steve ang mga pagsubok na pinansyal at emosyonal, ngunit ang mga ito naman ay kanyang nalagpasan.




At ayon pa sa kanya ay hindi niya malilimutan ang mga eksperyensang ito sa kanyang buhay. Ngayon nga ay ikinokonsidera na ng dating Journalist ang kanyang sarili bilang isang successful na personalidad hindi dahil sa siya ay nakapagtapos ng may karangalan kundi dahil sa inspirasyon na naipakita niya sa mga taong patuloy pa rin sa pakikipagsapalaran na matupad ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *