Dating Ka-Loveteam Ni Barbie Forteza Na Si Joshua Dionisio Ito Na Pala Ang Tahimik Na Pamumuhay

Unang nakilala bilang child star sa ABS-CBN si Joshua Dionisio, ngunit mas namayagpag ang kanyang karera bilang isang artista ng siya ay lumipat sa Kapuso Network, matapos niyang mapabilang Philippine Remake ng Asian drama na “Stairway to Heaven.”




Bago maging isang batang aktor, ay nauna munang naging commercial model si Joshua nung siya ay 8-taong gulang pa lamang. Nang lumipat nga si Joshua Dioniso sa Kapuso network ay nabigyan siya ng kanyang “big break” na siyang naging daan para mamayagpag ang kanyang karera bilang isa sa mga mahuhusay na batang aktor.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Nakatambal niya noon si Barbie Forteza sa teen oriented show na “First Time” kung saan siya nga ay gumanap bilang si Lukas Ybfante, nakasama rin nila sa naturang programa ang halos kaedaran lang din nilang aktor na si Jake Vargas.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Dito na nga nagsimulang makilala ang tambalan nina Joshua at Barbie na tinawag na “JoshBie” na talaga namang isa sila sa mga loveteam noon na nagbigay ng kilig sa maraming mga teenager. Sa kabila naman ng napakagandang ‘chemistry’ ng dalawa, ay hindi umano nauwi sa tunay na relasyon ang kanilang tambalan dahil sa magkaibigan lamang nga umano sila na malapit sa isa’t isa.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Matapos ang ilang taong pamamayagpag ni Joshua Dionisio bilang isang batang aktor sa telebisyon ay bigla na nga lamang nitong iniwan ang kanyang karera, na ikinagulat nga ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Dahil dito ay maraming lumabas na espekulasyon na di umanoy dahilan ng aktor kaya hindi na siya tumatanggap ng mga shows, at isa na nga sa mga ito ay dahil umano sa hindi magkasundo sa talent fee na mga offer sa kanya.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Binigyan naman ng linaw ni Joshua ang naging pagkawala niya sa showbiz, at ayon sa kanya, ay mas minabuti niyang magpokus sa kanyang pag-aaral. Dagdag pa niya, isa rin sa mga dahilan ay ang naramdaman niya sa kanyang sarili na hindi na siya masaya sa kanyang ginagawa.

Ayon kau Joshua ay hindi na niya nami-miss ang buhay bilang artista, ngunit saad niya bukas pa rin naman siya sa mga guestings ngunit wala na siyang plano pa na mag-fulltime sa showbiz.




Noon nga lamang nakaraang taon ay muling nasilayan ng publiko si Joshua sa telebisyon, ito nga ay matapos niyang maging parte sa Bawal Judgemental Segment ng Eat Bulaga. At sa muling paglabas nga niyang ito sa telebisyon ay maraming mga netizens ang nagsabi na nami-miss na nila ito, at ang iba pa nga ay hiling na bumalik na ito sa pag-aartista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.