Dating Magkarelasyon Na Sina James Reid At Nadine Lustre Namataan Na Nagha-Hiking

Isa sa mga nagbigay ingay agad sa mundo ng showbiz noong pagbungad ng taong 2020 ay ang hiwalayang Nadine Lustre at James Reid, o mas kilala nga on-screen bilang ang tambalang “JaDine”. Ang balita ngang ito ay talaga naman ikinalungkot ng kanilang maraming mga tagahanga.




Ngunit, sa kabila ng naging balitang hiwalayan ng dating magkarelasyon, ay madalas pa ring nakikita na nagkakasama ang dalawa, lalo na sa mga okasyon ng kanilang mga pamilya o di kaya naman ay mga kaibigan, dahilan upang muling isipin ng lahat na ang dalawa ay nagkabalikan na.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Mas tumibay pa nga ang hinala ng publiko na nagkabalikan na sina James at Nadine, ng ilang mga larawan ng dalawa ang lumabas sa social media nito lamang nakaraang ika-5 ng Enero 2021, kung saan ay namataan na magkasamang nagha-hiking ang dalawa, kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Makikita nga sa Instagram ni James ang naging pagbabahagi ng aktor ng mga kuhang video at larawan sa kanilang naging masayang adventure, ilang araw lamang matapos salubungin ang Bagong Taon. Wala namang anumang detalyeng isinaad ang aktor, kung saan ang lokasyon ng naging hiking nilang ito.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Maging ang kaibigan nina James at Nadine na si Jericko Tan, ay nagbahagi rin sa Instagram nito ng mga larawan at video nilang magkakaibigan.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Sa mga larawan ngang ito, ay kapansin-pansin na sa kabila ng magkasama sa isang grupo sina James at Nadine, ay malayo naman ang distansya nila sa isa’t isa. Nakaupo sa kabilang dulo ng isang bato si James, at sa kabilang dulo naman si Nadine na nakaupo at naka-peace sign sa kamera.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Ang kasama nga nina James at Nadine sa naging hiking nilang ito, ay ang kanilang mga kaibigan at kasamahan sa Careless Music Manila na sina COO Jericko Tan, director Lox Valiente, at ang Filipino/Canadian entrepreneur na si Luke Thorssen.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon rin ay nag-hiking din sina James at Nadine, ng akyatin nila ang Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.

Photo Credit: jeriko.tan/Instagram

Samantala, sa naging ulat ng PEP. Ph noong ika-5 ng Enero, ay isinaad nito na nagkabalikan na umano ang dating magkarelasyong sina James at Nadine, at ang balita ngang ito, ay nagmula umano sa isa nilang source na malapit sa dalawa. Nagkabalikan umano ang dalawa sa gitna ng pandemya.

Hindi na rin umano itinuloy pa ni James, ang pagbebenta sa bahay niya na matatagpuan sa Loyola Grand Villas sa Quezon City, kung saan ang bahay na ito ang aging “love nest” nila noon ni Nadine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

Ika-11 ng Mayo taong 2020 ng magsimulang pag-usapan ang pagbabalikan umano nina James at Nadine, ito ay matapos mag-post ng aktres ng kanyang pagbati para sa ika-27th birthday ng aktor at kalakip nito ay ang larawan na kasama niya ito.




Sa kabila naman ng marami ng mga haka-haka patungkol sa pagbabalikan ng dalawa, hanggang ngayon naman ay hindi pa rin naglalabas ng kanilang pahayag sina James at Nadine sa tunay na estado ng relasyon nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *