Dating Mananayaw Ng Wowowee Na Si Luningning Ito Na Pala Ang Magandang Buhay Ngayon

Ang dating aktor at ngayon ay isa na sa pinakapopular na host sa telebisyon na si Willie Revillame ay hindi nga lamang naghahatid ng aliw at kasiyahan sa mundo ng entertainment industry sa marami niyang mga manood, dahil maliban dito ay nagbibigay din siya ng kaginhawaan sapagkat marami na nga siyang natulungan na mga tao lalo na nga ang mga kababayan natin na batid niyang salat sa buhay.




Hindi lamang din mga ordinaryong tao ang nagagawang tulungan ni Willie dahil maging ilan sa mga sikat na personalidad sa showbiz ay nagawa rin niyang tulungan. Isa na nga rito ay ang dancer niya noon sa programang Wowowee na si Lea Carla Santos o mas nakilala nga ng publiko bilang si Luningning.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Si Luningning ay miyembro noon ng ASF Dancers at dahil sa angkin niyang galing sa pagsasayaw lalo na nga sa paggiling ay naging regular na nga siya sa programang Wowowee. Talaga namang napakagaling niyang sumayaw, at ayon nga sa kanya bata pa lamang siya ay talaga namang hilig na niya ang pagsasayaw.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Samantala, ayon sa mga ulat, bago pa man napasok sa Wowowee si Luningning ay nagkaroon pa ito ng pagkakataon na makapag-perform sa bansang Japan, kaya naman dahil sa kanyang ‘experience’ na ito at idagdag pa ang galing niya sa pagsasayaw ay hind inga siya nahirapan na makahanap ng trabaho pagkabalik niya sa Pilipinas.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Matatandaan na si Luningning nga ay isa sa mga naging highlight noon sa Wowowee dahil sa mga signature hot moves niya kagaya na lamang ng pag cartwheel at split na tunay ngang nakakabilib. Ang ganitong mga moves nga niya ay ginagawa niya noon bago niya ibigay sa TV host na si Willie ang pera na para sa mga contestant.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Ngunit ng magtapos nga ang programang Wowowee kung saan ay natapos din ang trabaho ni Luningning ay pinili na nga lamang niya ang magtayo ng negosyo at hindi na bumalik pa sa entertainment industry. Ang negosyo ngang itinayo ng mahusay na mananayaw ay tinawag niyang “StarDanz Fitness Studio”, kung saan dito ay nahahasa at naipapamalas pa rin nga ang kanyang galing sa pagsasayaw.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Ilan nga sa mga ehersisyo ng sayaw na ino-offer sa “StarDanz Fitness Studio” ni Luningning ay ang tinatawag na Aerial Silk, Belly Dancing, Kali Pole, Jazz Dance, Dance Fitness at Pilate.




Ayon naman sa mga ulat, hanggang ngayon ay nanatiling single si Luningning, kaya naman mas naibibigay niya ang kanyang atensyon at pokus sa negosyong kanyang itinayo. Marami din ang nakapansin na hindi nagbabago ang angking kagandahan at kaseksihan ni Luningning.

Leave a Reply

Your email address will not be published.