Parehong nakilala bilang mahuhusay at bibong child star sa industriya ng showbiz sina Ryzza Mae Dizon at Xyriel Manabat, ngunit sila ay pareho ring nawala saglit sa harap ng kamera sa magkaibang dahilan. Si Xyriel ay nahinto sa showbiz dahil sa kanyang ‘awkward stage’ samantala, si Ryzza Mae naman na ngayon ay makilala na bilang si Mae Dizon ay nahinto ng magkaroon ng krisis sa bansa.
Samantala, noon nga lamang araw ng Linggo, ika-12 ng Hunyo taon ng kasalukuyan, ay ipinagdiwang ni Mae Dizon ang kanyang ika-17 taong gulang na kaarawan. At ang kanya ngang kahilingan sa espesyal na araw na ito ng kanyang buhay, ay ang patuloy lamang na ipagkaloob sa kanya ang mabuting kalusugan, masayang buhay at ang tumangkad pa nga umao ng konti bago siya tumuntong sa gulang na disi-otso.

Si Mae Dizon ay unang nakilala ng publiko bilang ang child star noon na si Ryzza Mae Dizon, at ang kanya ngang screen name ay kanyang binago kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang ika-17 taong gulang na kaarawan at ang pagunita niya ng ika-10 taong anibersayo ng kanyang showbiz career noon nga lamang ika-11 ng Hunyo sa programang Eat Bulaga ng GMA-7.

Matatandaan na si Mae ay 7-taong gulang ng magsimula sa mundo ng showbiz, ito ay matapos nga niyang magwagi noong taong 2012 sa ‘Little Miss Philippines’ isa sa mga segment noon ng Eat Bulaga. Ang pagwawagi nga niyang ito ang naging daan upang magbukas sa kanya ang maraming oportunidad sa mundo ng showbiz.

Hindi lamang naman ang birthday celebration ni Mae ang napanood sa Eat Bulaga noong ika-11 ng Hunyo, dahil kasabay nito ay naging guest din ng programa sa segment nitong ‘Bwal Judgemental’ ang dating child star na si Xyriel Manabat na ngayon nga ay magbabalik showbiz na matapos ang halos ilang taong pamamahinga sa pag-aartista.
Matatandaan naman na 18-taong gulang si Xyriel ng siya ay huminto sa pag-aartista upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at dahil din sa ‘awkward stage’ na hindi naranasan ni Mae Dizon. Pagbabahagi naman ni Xyriel, ngayon nga ay mentally prepared na siya sa pagbabalik niya sa showbiz, at fully committed na nga umano siya ngayon sa pagbabalik niya sa trabahong minsan niyang iniwan.
“Naging sure po muna ako na dapat one percent fully committed ako, kasi hindi po mabibigyan ng justice yung role if hindi ko po papanindigan yung pagbabalik ko.
“So dapat po sure ako sa desisyon na gagawin ko. More mentally prepared,” ani Xyriel na may nararamdaman na panghihinayang sa limang taon na paghinto niya sa pag-aartista.
“Noong una, na-satisfy [nang tumigil sa showbiz] dahil wala po akong iniisip na calltime. Wala akong iniisip na trabaho.
Pag-amin naman ni Xyriel ay minsan ding sumasagi sa isip niya na marahil kung hindi siya tumigil sa pag-aartista ay mas malayo na nga ang kanyang narating. Kaya naman ngayon sa kanyang pagbabalik, hiling niya ay ang ma-achieve niya pa rin ang na-achieve ng iba.
Tunay namang napakabilis ng panahon, at marami nga sa mga tagahanga at tagasuporta nina Mae at Xyriel na ang mga bibong bata na kanilang kinagigiliwan noon ay mga ganap ng dalaga ngayon.