Dating Mga Larawan Ni Kathryn Bernardo Kasama Ang Kanyang Ina Agaw Pansin

Ang buwan ng Mayo ay isa sa mga inaabangan ng maraming ina ng tahanan, dahil sa buwan ngang ito ay ipinagdiriwang ang espesyal na araw para sa mga ilaw ng tahanan kung saan ay binibigyang pugay natin ang mga naging sakripisyo, pagmamahal, at pag-aaruga nila sa atin lalo na sa kanilang buong pamilya.




Kaya naman agad na ring binati ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang mahal na ina na si Min Bernardo, upang bigyang papurihan ito at pasalamatan ang naging pagmamahal at kabutihan nito sa kanila bilang isang ina at ilaw ng kanilang tahanan.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Makikita nga sa Instagram account ni Kathryn ang naging pagbabahagi nito ng larawan nila ng kanyang mommy, kung saan ang isa dito ay kuha 20-taon na ang nakararan at ang isa namang larawan ay kuha ngayong kasalukuyan.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Kalakip ng larawan na ito ay ang naging caption ng aktres, kung saan ay binigyang diin niya ang taglay na kagandahan ng kanyang ina, kung saan kahit nga 20-taon na ang nakalilipas ng kunan ang isa sa mga larawan ay wala pa rin namang kupas ang taglay nitong ganda na mapapansin nga sa kasalukuyang larawan nito.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

“Recreating a photo that was taken years ago to celebrate my beautiful momma. Nothing much has changed (aside from my smile?) and she’s still as beautiful as she was 20 years ago!”

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Maliban pa nga dito ay binigyang puri rin ni Kathryn ang pagiging isang mabuti at mapagmahal na ina ng kanyang mommy. Ayon pa nga sa aktres ay talagang isa itong napaka-supportive na ina dahil sa lahat ng naging hakbang niya sa kanyang buhay ay lagi lang itong naka-alalay at suporta sa kanya.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

“But more importantly, she remains to be the same supportive mom who always holds my hand and guides me every step on the way.” Tunay nga namang isa si Kathryn Bernardo sa mga mapapalad na nagkaroon ng isang mabuti, mapagmahal at very supportive na ina.

Photo Credit: bernardokath/Instagram




Samantala, hindi nga lamang si Kath ang mapalad, dahil para rin kay Mommy Min ay nakapalad din niya na nagkaroon siya ng anak na tulad ni Kathryn, dahil sa napaka-mapagmahal at responsable ngang anak ng aktres.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Bilang ina nga ni Kath, ay ipinagmamalaki din ni Mommy Min ang kanyang anak at proud na proud siya sa lahat ng tagumpay na nakakamtan nito sa kanyang buhay, ito nga ang kanyang naging pagbabahagi noon sa kanyang social media account ng magdiwang ang kanyang anak na aktres ng ika-25 taong kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *