Dating Miyembro Ng EB Babe May Relasyon Umano Siya Sa Eat Bulaga Comedian Na Si Jose Manalo

Kilala si Jose Manalo, bilang isa sa mga popular at magagaling na host/comedian na nagbibigay ngiti at saya sa ating mga manonood gamit ang kanyang mga funny jokes ng halos ilang taon na sa industriya ng showbiz.




Hindi nga lamang ang pagiging isang komedyante at host ang ginagampanan ni Jose ng maayos sa kanyang buhay, dahil maliban dito ay pinagbubutihan din niya ang maging isang Mabuti at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak.

Image Credit via Google

Tulad ng ilang mga sikat na artista, isa ang komedyanteng si Jose Manalo sa mga dumaan sa kontrobersiya ng buhay. Ito ay noong mga panahon na siya ay nagsisimula pa lamang sa noontime show ng GMA Network na Eat Bulaga.

Image Credit via Google

Ayon nga sa ilang mga ulat, taong 2012, ng ma-involve sa kontrobersyal ang host/comedian na si Jose Manalo, ito ay ng maging laman ng balita ang di umanoy paghihiwalay nito at ng kanyang asawa na si Annalyn Manalo, dahil sa pinansyal na problema ng pamilya.

Image Credit via Google

Maliban pa sa pinansyal na problema umano ng mag-asawa, kaya naghiwalay ang mga ito, ay isa rin sa mga tinitingnan anggulo ay ang pambabae umano ng host/comedian.

Image Credit via Google

Samantala, may mga ilan namang “source” sa loob ng showbiz, ang nagsasabi na si Jose Manalo, ay may karelasyon na isang dating EB Babes, at ito ay si Mergene Maranan.

Image Credit via Google

Ang kanilang di umano’y relasyon, ay matagal ng pinag-uusapan, ngunit walang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa ni Jose Manalo, kung ito nga ba ay tunay o hindi.

Image Credit via Google

Hanggang sa tila kumpirmahin ito ni Mergene nito lamang nakaraan, sa isa niyang post habang nakikipagdiskusyon sa isang netizens.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga pinakamainit na pinag-uusapan online ngayon ay ang dating EB babes na si Mergene Maranan, ito ay matapos mapansin ng araming netizens, ang pakikipagtalo nito sa isang netizens sa social media post.

Nagsimula umano ang mainit na pag-uusap nina Mergene at ng netizens, ng ito ay magbigay komento sa isang Instagram post ng dating eb babes.

“Ikaw pala yung bagong kinakasama ni Jose?”, ang naging pagtatanong nga ng netizens.
At agad naman itong sinagot ni Mergene na “So?”,na tila ang dating ay pag-amin niya sa relasyon nilang dalawa ng host/comedian.

Tila iba naman ang naging dating ng naging kasagutan ni Mergene sa netizens, kaya naman sinabihan siya nito ng salitang “may attitude” , na ang ibig ngang sabihin ay may attitude problem si Mergene.

“Wag kang ganyan gurl, baka may madamay na iba! Igiling mo pa gurl! Sunod [si] Vic Sotto”, komento ngang muli ng netizens.

Ang komento namang ito ay sinagot ni Mergene, na hindi na niya ito papatulan, bagkus ay hahayaan na lamang niya na mabasa ito ng isa pang taong ine-involve ng nasabing netizen at ito nga ay si Vic Sotto.

Makikita pa nga sa dulo ang may pagka-sarkastik na naging komento ni Mergene sa netizens, kung saan ito ay isang “F” word na nilagyan naman nito ng “po” sa dulo.

At dahil sa hindi pa rin napigil ang netizens, na i-reply pa si Mergene, ay umabot na silang dalawa sa puntong nagkainitan na hangang sa makapagbitaw na ang dating Eb babes, ng hindi magandang salita.




Ang sagutan at mainit na diskusyon ngang ito mula kay Mergene at sa netizens, ay umani ng sari’t saring mga komento at reaksiyon mula sa mga netizens.

Samantala, kung kayo naman ang tatanungin, ano ang masasabi niyo sa naging kasagutan ni Mergene, kumpirmasyon na nga ba ito na siya ay may relasyon sa Tv host/comedian na s Jose Manalo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *