Dating Miyembro Ng Street Boys Na Si Spencer Reyes Masaya Ng Naninirahan Sa UK Kasama Ang Asawa At Mga Anak

Naaalala niyo pa ba ng sikat na male dance group na Streetboys noong 90’s. Ang grupong ito ay isa sa mga sikat at kinakikiligan noon ng mga kababaihan dahil sa galing ng mga miyembro nito sa pagsasayaw at sa paggawa ng acrobatic dance.

Image Credit via Google




Isa sa mga miyembro ng grupong ito ay si Spencer Reyes, isa rin sa mga sumikat at magagaling na aktor ng mga panahong iyon. Ipinanganak noong April 18, 1978 si Spence. Marami rin ang kanyang pelikulang nagawa kasama ang ilan sa mga sikat na artista noon katulad nina Judy Ann Santos na kasama niya sa pelikulang Esperanza.

Image Credit via Google

Ilan pa sa mga pelikulang lumabas si spencer ay sa Spirit Warriors, Computer Combat at Tugatog. Nakasama rin niya si Mark Anthony Fernandez sa pelikulang Stokwa. May mga naging episode din sa Maalaala Mo Kaya na kasama siya, gumanap din siya ng isang karakter sa movie series naSaan Ka Man Naroroon .

Image Credit via Google

Sa paglipas ng taon na nasa mundo ng showbiz, at sa pag usbong ng mga bagong bituin ay unti-unti ng ang nawalan ng proyekto sa industriya ang aktor. Unti-unti ngang nawala sa mundo ng showbiz industry ang aktor na si Spencer Reyes.

Image Credit via Google

Marami nga ang nagtatanong, nasaan na kaya ang aktor ngayon at anong buhay na ang meron siya matapos niyang mawala sa telebisyon.

Image Credit via Google

Sa kanyang Instagram account, kung inyo itong bisitahin ay makikita na ang aktor ay naninirahan na ngayon sa bansang United Kingdom (UK). Doon ay kasa kasama ng dating actor/dancer ang kanyang pamilya, asawa’t tatlong anak.

Image Credit via Google

May ilang pagkakataon na nagpeperform pa rin si Spencer sa kanyang mga fans, isa na rito ang naganap na isang charity event sa Milan na kung saan ay kasama niya ang dating miyembro rin ng Streetboys na si Michael Sesmundo. Ang nasabing event na ito ay isang dance master class na kung saan ay dinaluhan ng 200 na mga kabataan na galing sa VIP Dance Academy.

Maaring iniwan nga ni Spencer Reyes ang mundo ng showbiz, ngunit ang kanyang talento at galing ay mananatiling nasa kanyang personalidad.




May Youtube Channel din ang dating aktor na kung saan ay ibinabahgi niya sa kanyang mga subscribers ang kanyang fitness routine na ginagawa, ibinabahagi din niya rito ang iba pang activities na kanyang ginagawa sa pang araw araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *