Dating PBB Housemate Yen Quirante Usap Usapan Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Kanyang Kagandahan

Natatandaan niyo pa ba ang dalagang probinsyana na si Yen Quirante? Na naging Pinoy Big Brother housemate, dalawang taon na ang nakalilipas.




16-taong gulang lamang noon ai Yen Quirante, na mula sa probinsya ng Camarines Sur, ng makapasok siya sa Pinoy Big Brother house, bilang isa sa mga housemates nito, kung saan ay ipinakita niya nag kanyang pagkatao na punong puno ng enerhiya at pagiging positibo sa buhay.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram

Matatandaan ng na nang pasukin ng 16-taong gulang na dalaga ang reality Tv show, ay dala-dala niya ang pag-asa ng katuparan ng kanyang mga pangarap, kung saan pinaka-una sa mga ito ay ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram

Sa PBB ay tinagurian siyang Palangi-Teen Dream ng Camarines Sur. Napabilang si Yen Quirante sa big four finalist ng nasabing programa, hanggang sa siya’y lumabas ng Bahay ni Kuya sa ika-57 na araw nito.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram

Sa naging unang pagkakakilala at pagkakita nga ng marami sa atin kay Yen noon, ay isa siyang simple at mahiyaing dalaga, ngunit isa sa mga katangian na hinahangaan sa kanya, ay ang kanyang pagiging masayahin.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram

Samantala, matapos ang PBB, ay hindi na rin natin madalas na nakikita sa telebisyon si Yen Quirante, ngunit sa kabila nito, ay isa naman siya sa mga popular at hinahangaan ngayon sa Instagram.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram

Makikita ngayon sa mga larawan ni Yen, na mula sa simpleng dalaga noon, ay isa na itong ganap na dalaga ngayon na ang “confident” sa sarili ay mas lumabas pa.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram

Ngayon nga ay 17-taong gulang na si Yen Quirante, at makikita sa mga larawan niya, na mas-mature na ito ngayon, kung saan ay marunong na ito maglagay ng makeup sa kanyang mukha, upang ilabas pa ang kanyang ganda, at manamit na naaayon sa kanyang edad at henerasyon na tila isang fashion icon.

Photo Credit: theyenquirante/Instagram




Mapapansin rin ang hilig ni Yen Quirante ngayon sa pagse-selfie, na kung saan ay makikita ang mga magaganda niyang selfie photos sa pag-scroll sa kanyang Instagram account.

Marami naman sa mga taga-suporta ng dating PBB housemates, ang namangha sa ganda na nakikita nila ngayon sa dalaga, kung saan tila sa buhay nito ngayon ay unti-unti na rin niyang natutupad ang mga pangarap niya sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *