Dating PBB Housemates Na Si Karina Bautista Ipinasilip Ang Kanyang Simple At Magandng Bagong Condo Unit

‘The Miss Independent of Isabela’, ito nga ang naging bansag noon sa 18-taong gulang na ngayon na si Karina Bautista, ng siya ay mapabilang sa mga housemate’s noon sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso.”



Matatandaan na itinanghal si Karina na Batch Runner-Up ng 1st Teen Batch ng Pinoy Big Brother Otso, dahil sa pagpapakita niya ng kanyang totoong personalidad at kakayahan sa nasabing kompetisyon.
Image Credit via YouTube
Hindi nga lamang sa loob ng Bahay ni Kuya pinatunayan ni Karina, na siya ay “The Miss Independent of Isabela”, dahil hanggang ngayon ay patuloy niyang mapapatunayan na siya ay isang dalagang independent at marunong sa buhay.
Image Credit via YouTube
Kamakailan nga lamang, ay ibinahagi ng dalaga na siya ay naninirahan na sa kanyang bagong bili na condo unit. Sa kanya ngang latest vlog na inilabas niya sa kanyang Youtube channel, ay masayang ipinasilip ng dalaga sa kanyang mga taga suporta at tagahanga ang kanyang condon unit, na kung saan ayon sa dalaga ay simple lamang ito ngunit napakaganda para sa kanya.
Image Credit via YouTube
Ang vlog ngang ito ni Karina ay pinamagatan niyang “Condo Tour”, kung saan ay bawat sulok ng kanyang bagong condo ay kanyang ipinasilip sa naturang video.
Image Credit via YouTube
Makikita nga kay karina, na napakasaya niya habang ipinapakita ang kanyang bagong condo, ito ay dahil ayon sa dalagang actress, mas maaliwalas at mas ma-espasyo umano ito kaysa sa dating condo na kanyang tirahan noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz career niya.
Image Credit via YouTube
Ayon pa sa dalaga, ang bago niyang condo ngayon, ay datang studio type, kaya naman mas malawak na ito ngayon. Ipinakita rin ni Karina ang isa pang bagay na kanyang pinag kaka-abalahan maliban sa pagiging isang actress, at ito nga ay ang kanyang small business na kung saan ay binebenta niya online ang kanyang mga naggagandahang paintings.
Image Credit via YouTube
Kwento ni Karina, isa sa mga paborito niyang bahagi ng kanyang munting tahanan ay ang kanyang “working place”, kung saan dito niya ginawa ang kanyang mga personalized paintings na binebenta naman niya online.
Image Credit via YouTube
Ayon sa dalaga, ay mayroon siyang Facebook page kung saan makikita ang kanyang mga magagandang obra na likha, at ito ay ang @kdiamond.painting.
Makikita nga sa mga naggagandahang obra ni Karina, na maliban sa pagiging aktres ay may itinatago ring talento sa pagpipinta si Karina. At dahil nga sa siya’y isang dalagang marunong sa buhay, ay naisipan niyang pagkakitaan ang kanyang talento sa pagpipinta, na siyang nakakulong ngayon sa kanyang pinansyal na pangangailangan.



Mapapansin rin sa bagong condo unit ng dalaga, na mayroon din itong mga alagang halaman, kung saan ay nagbibigay pa lalo ng “good vibes” sa kanya.
https://www.youtube.com/watch?v=AtzofSB__Ys
Ngayon nga ay may bagong proyekto si Karina, at ito ay ang online series na “The Four Bad Boys and Me”, kung saan ay kasama niya rito sina Maymay Entrata, Chie Filomeno, ALora Sasam, Rhys Miguel, Kaori Oinuma, at ang ka-loveteam nito na si Aljon Mendoza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *