Dating PBB Housemates Na Si Tricia Santos Ginulat Ang Lahat Sa Karerang Tinatahak Niya Ngayon

Naalala niyo pa ba si Tricia Santos? Isa sa mga naging housemate’s noon ng popular na reality tv show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.



Kung aking tatandaan, isa si Tricia sa pinaka-inaayawan ng ilang mga housemates at manonood sa programang PBB. Ito ay dahil sa kanyang pagkakaroon ng malakas na personalidad, magkaganon man ay pinatunayan pa rin ng dalaga, na kahit marami ang may ayaw sa kanya ay mayroon siyang potensyal para maging isang sikat na personalidad.
Photo Credit: itstricias/Instagram
Matapos ang kanyang naging pagkaka-evict sa nasabing reality TV show, ay naging madalang ang paglabas niya sa telebisyon, hanggang sa tuluyan na nga siyang mawala sa kinang ng camera.
Photo Credit: itstricias/Instagram
Ngunit nasaan na nga ba si Tricia Santos ngayon? At ano ba ang nangyari sa kanya, matapos niyang ma-evict sa PBB? Yan ay ilan lamang sa mga katanungan ng mga taga suporta at tagahanga ng dalaga.
Photo Credit: itstricias/Instagram
Ayon sa ilang mga ulat, ilang buwan matapos ang naging pagkaka-evict ng dalaga ay naisip nito kung ano ang talagang karera ang nais niyang tahakin sa kanyang buhay. At imbis nga na maging artista, ay mas pinili ng dalaga na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang popular na atleta.
Photo Credit: itstricias/Instagram
Ang dati ngang PBB housemates’ ay mas pinili, ang pagbutihin ang kanyang hilig sa paglalaro ng volleyball at magfocus dito upang mas maging na atleta.
Photo Credit: itstricias/Instagram
Matatandaan na taong 2015, sa isang panayam ng PEP.Ph sa dalaga ay ibinahagi nng dalaga ang ano ang mga iniisip niyang plano para sa kanyang future. Sinabi rin niya sa nasabing panayam, na sa maikling panahon niya sa showbiz ay nakaranas siya ng depression.
Photo Credit: itstricias/Instagram
“I’m trying to focus more on my sports now that I’m out of showbiz.”  “And I want to improve more on volleyball.” “Kasi couple of years ago, I suffered in depression and everybody knows na I got really thin and there were anorexia humors about me.”



“I think it’s a time to show people that I already recovered from it.”
“And to show other girls who were suffering from depression that they can recover from it.”
Matatandaan nga na noon ay naging usap-usapan ang pagkakaroon umano ni Tricia ng anorexia, ngunit ayon nga sa kanya ay humors lamang ito at siya ay dumaan lamang sa depression noon.
Sa ngayon, makikita na natin sa 25-taong gulang na dalagang atleta, ang kanyang pagiging healthy at fit. At dahil sa taglay niyang kaseksihan ngayon, ay isa na rin sa mga FHM model si Tricia Santos. Ano ang masasabi niyo sa buhay ngayon ni Ex-PBB housemates Tricia Santos?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *