Dating PBB Housemates Na Si Tricia Santos Ito Na Pala Ang Naging Takbo Ng Buhay Niya Ngayon

Natatandaan nyo pa ba si Tricia Santos, isa sa mga naging PBB housemates noon ng Pinoy Big Brother Teen Clash Edition, taong 2010?




Si Tricia Santos, ay isa sa mga naging housemates ng nasabing reality talent competition ng ABS-CBN, na talaga namang pinag-uusapan dahil sa kanyang pagkakaroon ng malakas na personalidad sa loob ng PBB house, kung saan dahil dito ay marami ang umiiwas at umaayaw sa kanya.

Image Credit via Google

Sa kabila nito, ay ipinakita naman ni Tricia Santos sa lahat, ang kanyang kakayahan, at hindi nagpatinag kung ano man ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanyang totoong personalidad.

Image Credit via Google

Matatandaan naman na sa ika-63 araw sa loob ng PBB house, ay tuluyan ng na-evict si Tricia Santos. Ngunit pagkatapos mapalabas sa Bahay ni Kuya, ay binigyan pa siya ng pagkakataon na maging host ng PBB Teen Edition afternoon show, kung saan ay kasama naman niya ang actress-host na si Mariel Rodriguez.

Image Credit via Google

Matapos nga nito, ay tuluyan ng nawala sa harap ng kamera ang dating PBB housemates.
Kaya naman marami sa kanyang mga naging tagasuporta, ang nagtatanong, nasaan na nga ba ngayon si Tricia Santos? At ano na ang buhay nito ngayon matapos iwan ang showbiz?
Ayon nga sa ibang mga ulat,

Image Credit via Google

matapos iwan ni Tricia ang showbiz, ay pinili niyang ipagpatuloy ang una niyang minahal at kinahihiligan, at ito ay ang paglalaro niya ng volleyball at ang maging sikat na atleta sa larangan ng “sports” na ito.

Image Credit via Google

Noon nag highschool si Tricia Santos, ay naging Varsity player siya ng Ateneo de Davao University. Maliban pa rito ay nabibilang rin siya sa Golden Tigresses ng University of Sto.

Image Credit via Google

Tomas, kung saan ay nakapag aral siya sa UAAP taong 2013. Taong 2015 naman, ay kabilang rin siya sa Lady Blazers varsity volleyball team ng De La Salle – College of Saint Benilde.




Ngunit ngayong 2020, ay tila ibang larangan na naman ang tinatahak ng dalaga, ito ay matapos niyang ulitin ang kanyang mga tagahanga, dahil mula sa isang mahusay na atleta ay proud na proud si Tricia Santos ngayon sa pagiging isang modelo lalo na’t makikita ang napakasexy at fit niyang pangangatawan.

Dahil sa pagkakaroon ng napakagandang hub0g ng pangangatawan, ay napabilang ang 25-taong gulang ng si Tricia Santos bilang FHM model. Makikita nga sa mga larawan ngayon ni Tricia, ang mas maging fit at sexy nito, at talaga namang bagay na bagay rito ang maging isang modelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *