Dating PBB Otso Housemates Na Si Frankie Russel Sinubukan Ang Swerte Noong Nakaraang Miss Universe UAE 2021 Pageant

Isa sa mga magagandang dilag na naging housemate’s noon ng Pinoy Big Brother: Otso ay si Franki Russel. At tunay naman na ang kanyang taglay na kagandahan ay maaring ilaban sa mga pageant. Kaya naman ngayon, ay tila nga susubukan na niya ang kanyang swerte sa patimplak ng ganda at talino ng mga magagandang kababaihan sa gaganapin ngang Miss Universe UAE 2021.




Si Franki Russel ay isang Filipino-Kiwi model turned actress, na kasalukuyang namamalagi sa bansang Dubai, United Arab Emirates. Nito nga lamang nakaraan ay nagbahagi ang dalaga sa kanyang Twitter, kung saan ay kanya ngang inihayag ang pagiging kalahok niya sa Miss Universe United Arab Emirates (UAE). Sa post niyang ito, ay mahihinuhang, batid niya na may ilan, na magsasabi ng kanilang negatibong opinyon patungkol sa pagsali niya sa national pageant sa ibang bansa.

Image Credit via INstagram

“It may not be the flag that you prefer, but I am so excited because this particular pageant represents a lot more than that,” bahagi ng statement ng modelo. Pagbabahagi pa ni Franki, magandang flatform umano ito na ipinagdiriwang ang mga kababaihan na may ‘interracial backgrounds.’

Image Credit via INstagram

“Diversity, celebrating girls for all cultural backgrounds, breaking stereotypes and empowerment. “I always want to try something new and challenge myself every day, while having fun and staying true to who I am. “Let’s grow and step out of our comfort zones together.” Pinaabot din ng dalaga ang kanyang pasasalamat para sa mga sumusuporta sa kanya, lalo na sa ‘journey’ niyang ito sa Miss Universe UAE.

Image Credit via INstagram

“To those who have shown their support, I see you and I feel so blessed.”
Ang national pageant na ito na lalahukan ni Franki, ayang kauna-unahang ilulunsad na Miss Universe UAE sa nasabing bansa, kung saan ang mananalong kandidata ay magiging kinatawan ng UAE sa Miss Universe 2021 pageant sa darating na December.

Image Credit via INstagram




Ayon sa ulat si Franki ay pasok na sa Top 300 ng casting process ng pageant. Makikita nga na ang kanyang larawan ay tampok sa mga nakapasok sa casting call. Samantala, ula sa Top 300, magkakaroon ng shortlist ng mga aabanteng kandidata, at dito na nga pipiliin ang Top 30 at iaanunsiyo ito sa October 20, 2021.Sila ang maglalaban-laban para sa pre-pageant activities hanggang sa grand coronation night sa November 7, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *