Dating Seksi Aktres Na Si Joyce Jimenez Masayang Namumuhay Kasama Ang Kanyang Pamilya

Naaalala niyo pa ba ang dating sexy star na si Joyce Jimenez? Silipin natin ang kanyang buhay ngayon na kung saan kasama niya ang kanyang asawa at mga anak Hindi nga naman natin maikakaila na ang pagiging isang artista ay maaaring magbigay sayo ng isang magarbong pamumuhay.

Image Credit via Google




Maaari kang magkaroon ng maraming pera, mabili ang mga bagay na gugustuhin mo at maging tanyag hindi lang sa mga kaibigan mo kundi sa lahat ng tao ngunit kapalit naman ng mga ito ay ang hindi mo pagkakaroon ng pribado mong buhay.

Image Credit via Google

Sapagkat kakambal ng pag-aartista ang laging may mga media at mga matang nakasunod sayo, hindi rin maiiwasan na nadawit sa mga intriga ang iyong pangalan minsan pa pati ang iyong pamilya.

Image Credit via Google

May mga artista na makayanan ang mga ito at tuloy pa rin ang karera sa showbiz ngunit meron ding mga artista na mas piniling lisanin ang industriya upang magkaroon ng pribadong buhay lalo na ng sila ay magkakaroon na ng pamilya.

Image Credit via Google

Isa sa mga artistang tuluyang nilisan ang showbiz industry ay si Joyce Jimenez o mas kilala sa kanyang tunay na pangalan na Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic, isang kilalang sexy star noong dekada 90 hanggang taong 2000. Isa si Joyce sa mga aktres na pinapantasya ng mga kalalakihan dahil sa kanilang angking kasexyhan kaya’t binansagan siya noon na “Pantasya ng Bayan”.

Image Credit via Google

Ang kanyang karera ay nagsimulang umusbong noong dekada 90 kung saan ay marami rin siyang ginawang pelikula ilan sa mga ito ay ang Ano baa ng Meron Ka, Warat, Narinig Mo n Ba ang Latest at ang Pinay Pie.

Ang kanyang karera sa showbiz ay tumagal hanggang taong 2000, hanggang sa madesisyon si Joyce ng lisanin na ang showbiz matapos ang kanyang huling pelikulang ginawa.

Sa kasalukuyan ay namumuhay na ng pribado ang aktres na si Joyce Jimenez kasama ang kanyang buong pamilya. Siya ay nakapag-asawa ng isang miyembro ng US Air Force na si Paul Ely Egbalic at biniyayaan na rin sila ng apat na anak, na sina Jorja, Ely, Elise at Julian Ellison.

Nakapagtapos na din ng degree ang nasabing aktres sa Australia at ngayon ay kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Amerika bilang isang office supervisor kung saan dito na rin sila naninirahan ng kanyang pamilya. Kahit pa nga wala na sa mundo ng showbiz at hindi na isang artista ay wala naman umanong pagsisi ang aktres sa kanyang desisyon na iwanan ang industriya ng showbiz.




Sa kanyang social media account naman kung inyo itong bisitahin ay makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Joyce na siya ay masaya sa pamumuhay na meron siya ngayon at ang kanyang pamilya. Patunay lamang ito na ang pagkakaroon ng isang pribado at masayang pamumuhay kasama ang iyong buong pamilya ay hindi kailanman matutumbasan ng kasikatan at katanyagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *