Dating Sexbomb Dancer Na Si Jopay Ito Na Ang Buhay Ngayon Matapos Iwanan Ang Showbiz

Kung ikaw ay batang 90’s, malamang na natatandaan mo ang grupong Sexbomb na sumikat noon. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga sexy dancers na talaga namang magagaling sumayaw at umindak sa entablado. Isa sa miyembro ng grupong ito na talaga namang tumatak sa atin at hinahangaan natin ay ang dancer na si Jopay.




Kung ating matatandaan ay apat lamang ang una at orihinal na miyembro ng sexbomb, ito ay sina Rochelle, Che-che, Debra at Janine. Ngunit kalaunan, ay nadagdagan nga miyembro ng girl dance group, at isa na nga sa mga ito ay si Jopay.

Photo Credit: jopaypaguiazamora/Instagram

Ilan sa mga dance theme song na pinasikat ng grupong sexbomb na kinabilangan ni Jopay ay ang “Bakit Papa”, “The Spaghettie Song”, at “Di Ko Na Mapipigilan.” Maituturing natin na isa si Jopay sa mga sumikat at naging popular na miyembro ng grupong Sexbomb noong taong 90’s, ito ay dahil sa ipinakita niyang angking galing at talento sa pagsasayaw lalo na sa pag-giling ng kanyang balingkinitang katawan.

Photo Credit: jopaypaguiazamora/Instagram

Tulad ng ibang sikat at popular na artista, sa paglipas ng mga taon ay pinili ni Jopay na iwanan ang mundo ng showbiz. ito ay matapos niyang magpakasal sa isa rin sa mga dancer ng Kapuso Network na si Joshua Zamora.

Photo Credit: jopaypaguiazamora/Instagram

Sa ngayon nga, ay masaya at simpleng namumuhay si Jopay kasama nag kanyang asawa, at sila ay biniyayaan na rin ng isang cute baby girl na pinangalanan nilang si Isabelle Alessa.
Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ang mag-asawang Jopay at Joshua ng ika-4 na anibersaryo nila bilang mag-asawa, kung saan ay makikita sa Instagram account ni Joshua ang kanyang sweet na mensahe ng pagbati para sa asawa niyang si Jopay.




Kahit pa nga iniwan ni Jopay ang mundo ng showbiz, ay makikita naman sa mga larawan ng dating sikat na dancer na masaya at kontento ito sa buhay niya ngayon bilang isang fulltime wife at mommy. Tingnan pa ang ibang mga larawan ni Jopay, kasama ang kanyang pamilya kung saan ay makikita ang lubos na kasiyahan ng aktres kapag kasama niya ang kanyang mag-ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.