Dating Sexbomb Dancer Na Si Jopay Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Matapos Iwanan Ang Showbiz

Kung ikaw ay batang 90’s, malamang na natatandaan mo ang grupong Sexbomb na sumikat noon. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga sexy dancers na talaga namang magaling sumayaw at umindak sa entablado.



Isa sa miyembro ng grupong ito na talaga namang tumatak sa atin at hinahangaan natin ay ang dancer na si Jopay.
Image Credit via Google
Kung ating matatanda ay apat lamang ang una at orihinal na miyembro ng sexbomb, ito ay sina Rochelle, Che-che, Debra at Janine. Ngunit kalaunan, ay nadagdagan nga miyembro ng girl dance group, at isa na nga sa mga ito ay si Jopay.
Image Credit via Google
Ilan sa mga dance theme song na pinasikat ng grupong sexbomb na kinabibilangan ni Jopay ay ang “Bakit Papa”, “The Spaghetti Song”, at “Di Ko Na Mapipigilan.”
Image Credit via Google
Maituturing natin na isa si Jopay sa mga sumikat at naging popular na miyembro ng grupong Sexbomb noong taong 90’s, ito ay dahil sa ipinakita niyang angking galing at talento sa pagsasayaw lalo na sa pag-giling ng kanyang balingkinitang katawan.
Image Credit via Google
Tulad ng ibang sikat at popular na artista, sa paglipas ng mga taon ay pinili ni Jopay na iwanan ang mundo ng showbiz. ito ay matapos niyang magpakasal sa isa rin sa mga dancer ng Kapuso Network na si Joshua Zamora.
Image Credit via Google
Sa ngayon nga, ay masaya at simpleng pamumuhay si Jopay kasama ang kanyang asawa, at sila ay biniyayaan na rin ng isang cute baby girl na pinangalanan nilang si Isabelle Alessa.
Image Credit via Google
Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ang mag-asawang Jopay at Joshua ng ika-4 na anibersaryo nila bilang mag-asawa, kung saan ay makikita sa Instagram account ni Joshua ang kanyang sweet na mensahe ng pagbati para sa asawa niyang si Jopay.



Kahit pa nga iniwan ni Jopay ang mundo ng showbiz, ay makikita naman sa mga larawan ng dating sikat na dancer na masaya at kuntento ito sa buhay niya ngayon bilang isang full time wife at mommy.
Image Credit via Google
Tingnan pa ang ibang mga larawan ni Jopay, kasama ang kanyang pamilya kung saan ay makikita ang lubos na kasiyahan ng aktres kapag kasama niya ang kanyang mag-ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *