Dating Sexy Actress Na Si Maui Taylor Ibinahagi Sa Publiko Ang Buhay Niya Ngayon

Isa sa mga miyembro ng sikat na sikat noong 2000 na all girl groups na Viva Hot Babes si Maui Taylor, kung saan ay kasama niya sa grupong ito ang mga nag-gagandahan at nagseseksihan ring mga babae na sina Katya Santos, Gwen Garci, Jaycee Parker at Asia Agcaoili.



Si Maui Taylor o Maureen Anne Tupaz sa tunay na buhay, ay ipinanganak noong June 28, 1983 sa Brighton, England.
Maliban sa pagiging isa niya ang miyembro ng Viva Hot Babes, ay isa rin si Maui Taylor sa mga naging sikat sa mga miyembro nito na kung saan ay bumida pa siya sa ilang mga pelikula tulad ng Tatarin at S2pid Love.
Ngunit sa kabila ng kanyang namamayagpag na career sa showbiz industry, ay bigla na lamang naglaho sa telebisyon si Maui na ipinag taka naman ng kanyang mga tagahanga. Kaya naman naging katanungan sa mga ito kung ano ang naging dahilan ng sexy actress sa kanyang paglayo sa showbiz?
Ayon sa nakuha nating source, isa sa naging dahilan ng pagkawala ni Maui Taylor sa industriya ay ang naging pagpapakasal nito. Si Maui ay nagpakasal sa isang DJ-businessman na si Anton Saberre.
at matapos ang kanilang kasal ay nagfocus ang dating sexy-actress sa kanyang pamilya hanggang maging full time mommy siya sa kanyang dalawang anak na lalaki na sina Antoine Miguel at Matteo Alonzo.
Kung atin maihahalintulad sa ibang mga sexy star noon na umalis sa industriya ng showbiz at pinaglumaan na ng panahon, ay malayo sa mga ito ang naging buhay ni Maui dahil sa ngayon ay maganda ang buhay ng dating sext star.
Para nga kay Maui ay “peaceful at contented” siya sa buhay niya ngayon.
Sa isang naging panayam ng ABS-CBN sa dating sexy-actress ay sinabi niya na hindi niya akalain na masaya ang maging isang magulang. Ibinahagi rin nito kung ano ang namimiss niya sa showbiz.
“Masaya maging mommy. Naisip ko nga, bakit kung kailan ako nag-32 tsaka ko lang naisip na maging parent pero masaya naman talaga.’
“Nakakamiss sa showbiz is ‘yung araw araw nasa trabaho ka. Pero ngayon na mommy na ako, medyo hindi na siguro kakayanin ang ganun”, saad nga ni Maui.
Hindi rin maiwasan itanong kay Maui sa naging panayam sa kanya, kung may balak pa ba ito bumalik sa showbiz at gumawa ng mga sexy role na ginagawa nito noon. Kung saan ay sinagot naman niya ito ng;
“Bawal na ako… pero pwedeng-pwede ako tumanggap ng mommy roles! Wala namang nagbabawal. Pinapayagan naman ako kung gusto ko mag showbiz ulit.”



Wala pa rin ang kupas ang angking ganda at kaseksihan na taglay ng dating sexy star na si Maui, kahit na may asawa at mga anak na ito. Maituturing pa rin nga siyang hot, hot-mommy na! kahit siya ay 36-taong gulang na ngayon.
Sa ngayon ay nakikita na muli natin si Maui Taylor sa ilang mga programa sa telebisyon, katulad na lamang ng mag-guest siya at ilang mga dati niyang kasamahan sa Viva Hotbabes sa primetime series na FPJ’s ANg Probinsyano na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *