Dating Sikat Child Actor Na Si Joshua Dionisio Ito Pala Ang Kanyang Naging Dahilan Para Iwan Ang Showbiz

Si Joshua Dionisio o Ralph Joshua Dela Cruz Dionisio sa totoong buhay, ay isa sa mga child star noon na talaga namang hinahangaan at kabaliwan, dahil sa kanyang aking “charm” at pagiging “cute”.




Matatandaan na unang hinangaan ng publiko ang angking husay ni Joshua Dionisio bilang isang child actor ng gampanan niya ang karakter ni Ken Pamintuan, isa sa mga naging karakter noon sa superhero serye na “Super Inggo”, na pinagbidahan naman ng child star rin noon na si Makisig Morales.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Nagsimula si Joshua sa showbiz, sa edad na 8-taong gulang, bilang isang commercial model. At ang kanya nganag naging unang TV appearance, ay sa serye noon na “Kay Tagal Kitang Hinintay”, kung saan ay gumanap siya bilang ang batang Nicolai “Nicos” Argos.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Dahil sa naging pagpapakita ni Joshua ng kanyang angking husay sa pag-arte, ay talaga namang naging kabila’t kanan rin ang mga proyekto o pelikula ang kinabibilangan niya, hanggang siya ay magbinata na sa showbiz.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Ngunit, kahit pa namamayagpag ang karera ng batang aktor, ay bigla na lamang itong Nawala sa showbiz, kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtatanong kung nasaan na ito ngayon, at kung ano ang dahilan ng pagkawala nito sa telebisyon.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

May mga naging usap-usapan nga, na kaya hindi na napapanood sa telebisyon si Joshua Dionisio, ay dahil sa pinakamahal umano nito maningil ng kanyang talent fee, na itinanggi naman ng aktor.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Agad namang binigyang linaw ng 23-taong gulang na aktor ang isyu tungkol sa naging pagkawala niya sa showbiz, at kung bakit hindi na ito natuloy pa sa mga dapat ay gagawin nitong proyekto sa ilalim ng pamunuan ng ABS-CBN Network o di kaya ay GMA Network.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Ayon nga kay Joshua, ay walang katotohanan ang kumakalat na balita na kaya siya nawala sa showbiz, ay dahil sa mahal ang kanyang talent fee. Pag-amin ng binata, kaya siya hindi tumanggap na ng mga proyekto, ay dahil sa nais niya munang ipagpatuloy at tapusin ang kanyang pag-aaral.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

Dagdag pa ni Joshua, bukas pa rin naman siya sa mga showbiz opportunities, at mga guestings, kapag may nag-anyaya sa kanya. Sa naging panayam naman ng PEP noon sa binatang aktor, ay sinabi nito na tila dumating siya sa punto na nawalan na siya ng gana sa pagiging isang artista.

Photo Credit: hplarjoshuadionisio/Instagram

“Parang hindi ko na lang nagustuhan na.. parang ganun.. Nawalan po ako ng gana.”
“Medyo, kasi dati masaya, tapos di na ako masyadong masaya.”
“Parang hindi na ako ganun ka-enthusiastic tulad ng dati.”

Inamin rin ni Joshua sa naging panayam sa kanya, na kaya siya nag-showbiz ay dahil sa naramdaman niya na gusto niya ang ginagawa niya at masaya siya, ngunit ngayon, ay tila nakaramdam na umano ng pagod ang binatang aktor.




“Kasi kapag gusto mo yung bagay na ginagawa mo, parang hindi ka napapagod di ba? Alam mo yun?” “Kaya parang ayaw ko na, kasi nakakapagod.”

Nito lamang ngang nakaraan ay muling nasilayan ng kanyang mga tagahanga si Joshua Dionisio, ng lumabas ito sa segment na “Bawak Judgemental” segment ng Eat Bulaga. Makikita naman ngayon, na sa kabila ng pagiging hindi aktibo ni Joshua Dionisio sa showbiz, ay masaya ang binate sa kanyang buhay, lalo na ngayon sa kanyang relasyon sa non-showbiz girlfriend niya na si Ally.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *