Dating Sikat Na Aktor Na Si Rainier Castillo Ito Pala Ang Kanyang Buhay Simula Iwan Ang Showbiz

Natatandaan nyo pa ba ng naging sikat at popular na aktor noon na si Rainier Castillo? Isa siya sa mga aktor na talaga namang kinakikiligan ng marami lalo na sa kapag siya ay ngumiti dahil sa kanyang “killer smile”.



Si Rainier din ang naging Pinoy version noon ng isa sa mga member ng F4 na si Dao Ming Xe, dahil sa tila pagkakahawig niya rito. Ang F4 ay ang male member group na kinakiligan sa Taiwanese drama na Meteor Garden.
Ilang taong namayagpag ang karera ni Rainier sa showbiz, ngunit marami ang nagtatanong kung bakit bigla na lamang nawala ang aktor sa industriya at hindi na muli pang nasilayan ang kanyang gwapong mukha sa mga pelikula.
Ano na nga kaya ang buhay ngayon ng dating sikat na aktor? At ano ang naging dahilan nito para umalis sa showbiz?
Sa YouTube Channel na WhatsUP Pinoy ay ibinahagi ang isang video kung saan ay ipinakita nito kung ang naging buhay noon ni Rainier Castillo bago pa man ito naglaho sa telebisyon.
Matatandaan na unang nasilayan sa telebisyon ng publiko si Rainier noong siya ay 18-taong gulang at maging isa siya sa mga kalahok sa Starstruck Season. Si Mark Herras ang nagwagi sa nasabing kompetisyon at naging First prince naman si Rainier.
Sa una pa lamang na nasilayan ng publiko si Rainier ay agad ng mapapansin sa gwapong binata na ang karisma nito ay nagmula sa kanyang “killer smile”, dahil sa pagkakaroon niya ng perpektong korte ng bibig, na kung saan ay pag ngumiti siya ay lumabas rin ang kanyang mapuputing ngipin.
Matapos ang Starstruck, ay nagsimula na ang magandang karera sa binata at maraming mga proyekto sa GMA Network ang nagbukas para kay Rainier.
Kabilang siya sa teen oriented show na Click at Joyride. At ilan pa nga sa mga proyektong kanyang ginawa ay ang Mulawin, Majika, Kamandag Fantastic Man at Tasya Fantasya.
Ngunit dahil sa sobrang kasikatan at dami ng proyekto, ay naramdaman ni Rainier na tila nawawalan na siya ng oras sa kanyang pamilya, kaya naman nagdesisyon siya na magpahinga muna.
“May time na dumating na medyo nakakapagod na rin. Yung halos hindi ko na nakakasama ang family ko, lalo na kapag mga okasyon na Pasko.”
Nagpahinga ang aktor sa showbiz, at naging abala sa kanyang heavy equipment business.
Taong 2016, ng anunsyo ng Viva Entertainment na muling magbabalik showbiz ang aktor na si Rainier Castillo, ito ay matapos nitong pumirma ng kontrata sa ilalim ng kanilang pamamahala.
Ngunit hindi naging patok sa madla ang naging pagbabalik ni Rainier, magkagon man ay nagkaroon pa rin siya ng ilang pag-ganap sa mga palabas sa telebisyon tulad ng Wattpad Presents at Lola Basyang.



Ngayon, ay abala na lamang ang dating aktor sa pagma-manage ng negosyo nila ng kaibigang aktor na si Mark Herras, ito ay ang parkour gym at urban training ground na matatagpuan sa Maginhawa St., Diliman, Quezon City.
Ilang taon na ring kasal ang dating aktor sa kanyang asawang si Diane, at ngayon nga ay may sarilina silang pamilya at masaya ang kanilang pagsasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *