Dating Sikat Na Child Star Na Si Agatha Tapan Masaya Nang Namumuhay Matapos Iwan Ang Showbiz

Naaalala niyo pa ba ang seryeng Mara Clara na ipinalabas noong taong 1990’s sa telebisyon ng ABS-CBN network. Ang seryeng ito ay pinagbibidahan ng dalawang magagaling na aktres na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Ang serye ring ito ang sa sa mga pinaka tumagal na serye na halos ilang taon ding namayagpag sa telebisyon.

Photo Credit via Google




Isa rin sa mga tauhan sa seryeng ito ay ang dating aktres na si Agatha Tapan na ginagampanan ang karakter ng batang si Denise. Sa seryeng ito nga mas nakita ang galing ni Agatha naging daan na mas maging maganda ang takbo ng kanyang karera bilang isang artista. Matatandaan din na kabilang siya sa ilang pelikula, katulad ng Trudis Liit at Mr.

Photo Credit via Google

Barumbado noong taong 1996. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makasama sa isang serye ng Once Upon a Time noong 1997. Ngunit sa kabila ng nagsisimulang magandang takbo ng karera ni Agatha Tapan ay agad naman itong tinapos ng batang aktres.

Photo Credit via Google

Tuluyan ng nawala sa mundo ng showbiz ang dating child star at maging ang kanyang mga kasamahan at kaibigan sa industriya ay hindi alam kung ano ang dahilan ng pag-alis nito at kung saan ito nagpunta. May ilan naman na nagsasabi na kaya nawala ang aktres sa showbiz ay upang ipagpatuloy ang pag-aaral nito.

Photo Credit via Google

Sa isang bagong artikulo naman na inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ang social media account ng dating child star katulad ng kanyang facebook account ay bukas sa publiko kung saan doon ay makikita ang mga detalye ngayon sa buhay nito.

Photo Credit via Google

Dito ay nakikita nga na ang dating child star ay nakapagtapos ng kanyang pag,-aaral sa kursong AB Communication sa De La Salle University isang Unibersidad sa Dasmariñas, Maliban pa nga rito ay isa rin siyang Business Development Analyst sa ANC. Nagtatrabaho na rin ngayon ang dating child star bilang FWD Financial Wealth Planner.

Photo Credit via Google

Makikita rin sa Facebook account ni Agatha Tapan na siya ay may sarili ng pamilya. Ikinasal siya noong 2015 sa kanyang asawa na si Romel Galiza, at biniyaan na rin sila ng anak na kung saan ay makikita sa kanyang FB account ang mga cute na larawan ng kanilang baby.




Sa kabila nga ng pag-iwan ni Agatha Tapan sa kanyang namamayagpag na karera noon sa showbiz ay makikita naman sa mga larawan ng dating child star sa kanyang social media account na masaya ito sa piling ng binuo niya ng pamilya at ineenjoy nito ang pagiging isang asawa at ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *