Dating Sikat Na Kontrabida Actor Na Si Ruel Vernal Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Sa Bansang Amerika

Ang isang pekikula o teleserye ay hindi magkakaroon ng magandang kulay o takbo ng istorya kung walang magiging kontrabidang karakter dito. Ngunit sa kabila ng mga mahuhusay na artista na gumaganap sa mga kontrabidang karakter ay hindi naman ibig sabihin na ganito rin sila sa kanilang tunay na buhay.




Matatandaan na isa sa mga batikang kontrabidang aktor na hinangaan at inidolo ng masa noong taong 1970’s hanggang 1990’s ay si Norberto Paranada Venancio o mas nakilala sa kanyang screen name na Ruel Vernal.

Image Credit via Google

Isa si Ruel Vernal sa mga tinaguriang ‘ideal bad guy’ noong kanyang henerasyon, ito nga ay dahil sa kanyang pisikal na katangian na magandang hubog ng pangangatawan at mapanindak na facial feature.

Image Credit via Google

Halos tatlong dekada ngang nagpakita ng kanyang husay at galing bilang kontrabida aktor si Ruel Vernal. Ilan nga sa mga pelikula niya na talaga namang tumatak sa masa ay ang “Kapag Buhay ang Inutang”, “Kapitan Pablo” at “Hindi Pa Tapos ang Laban.”

Image Credit via Google

Ilang mga bigating action star rin ang nakasama ni Ruel
sa mga pelikula dahil sa kanyang pagiging mahusay na kontrabida. Ilan nga sa mga nakasama niyang sikat na action star ay sina Da King Fernando Poe Jr., Lito Lapid at Ramon Revilla Sr.

Image Credit via Google

Dahil din sa mga naging mahuhusay niyang pag-ganap sa mga karakter niya sa pelikula, ay nakatanggap siya ng parangal bilang Best Supporting Actor noong taong 1976 sa Metro Manila Film Fest. Ang huling pelikula na ginawa ni Ruel Vernal ay may titulong “Dayo” na ipinalabas noong taong 2003.

Samantala, hindi lamang isang mahusay na kontrabida actor si Ruel Vernal, dahil naging isa rin siya sa mga modelo noong taong 1982 hanggang 1983 ng isa sa mga sikat na inumin.
Sa kasalukuyan nga ay hindi na natin nasisilayan pa sa telebisyon o kahit anong pelikula si Ruel Vernal,

kaya naman marami sa mga tagahanga niya noon ang nagtatanong kung nasaan na nga ba ngayon ang mahusay na kontrabida actor at kung ano na ang buhay na tinatahak nito ngayon.




Ayon sa ilang mga ulat, sa ngayon ay masayang namumuhay sa Washington DC si Ruel matapos nga niyang magretiro sa showbiz. Kasama niya sa nasabing bansa ang kanyang pamilya.

Kahit naman nasa edad 73 na ngayon ang dating Kotrabida actor, ay kitang-kita pa rin ang tikas ng kanyang pangangatawan, na siya niyang pangkilabot noon sa mga pelikulang kanyang ginawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *