Dating Sikat Na Singer Na Si Ronnie Liang Isa Ng Ganap Na Piloto Ngayon

Isang pangarap para kay Ronnie Liang ang maging isang Piloto at nagpalipad ng eroplano, at ngayon nga ang pangarap niyang ito ay natupad na. Hindi nga naman maitatanggi na isa si Ronnie sa magaling na mang-aawit sa ating henerasyon ngayon.

Photo Credit: ronnieliang/Instagram




Ngunit sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang career bilang isang singer ay hindi naman niya isinantabi na matupad ang isa pa niyang pangarap, at ito ay ang maging isang piloto.

Photo Credit: ronnieliang/Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ronnie ang kanyang mga larawan na kung saan ay makikita na natapos na niya ang kanyang pag-aaral upang maging isang ganap na “Solo Pilot”.

Photo Credit: ronnieliang/Instagram

May larawan na kung saan ay may caption na:
“Pinning/Solo Pilot Ceremony at APG International Aviation Academy Inc. It has always been my dream to be a pilot and I believe that you can pursue your dreams at any point in your life. So here I am, taking steps in fulfilling that childhood dream”.

Photo Credit: ronnieliang/Instagram

#solopilot #pilot #aircraft #aviation #pilotlife #cessna #ceremony #subic #apgiaa
Lalo pa ngang hinangaan ang 34-year old singer na si Ronnie Liang sa kanyang naging achievement ngayon, dahil sa kabila ng tagumpay na kanyang narating sa kanyang karera bilang singer ay hindi naman niya nakalimutang tuparin ang isa kanyang pangarap noong siya ay bata pa, at ito nga ay ang maging isang piloto.

November 26 nitong taon ng magtapos sa kanyang aviation course ang singer, na kung saan ito ay ginanap sa APG International Aviation Academy sa Subic, Pampanga.
May larawan din na ibinahagi si Ronnie, na kung saan ay tinanggap niya ang isang pin na nagpapatunay na natapos na niya at nakumpleto ang 20-oras na na pagpapalipad na kinakailangan upang matapos ang kanyang kurso.

Ang pin din na iyon ay patunay na isa na nga siyang ganap na “Solo Pilot”.
Hindi pa nga dito nagtatapos ang pangarap si Ronnie, dahil ayon sa kanya gusto din niyang maging isang “Private Pilot” at “Commercial Pilot” at ito ay kanyang tutuparing muli.

Sa isang panayam naman sa kanya, ay ibinahagi ni Ronnie na ang kanyang pamilya ang nais niyang maging kauna-unahan niyang pasahero, at ayon pa sa kanya ay hindi niya pababayaan ang kanyang career bilang isang magaling na singer.

Photo Credit: ronnieliang/Instagram

Nagpasalamat din si Ronnie sa kanyang pamilya at mga tagahanga, na patuloy at walang sawang sumusuporta sa kanya, lalo sa pagtupad nya ng kanyang mga pangarap.
“I’m so thankful sa lahat ng sumusuporta sa akin hanggang ngayon – Ako naman, I continue singing lang – And ang fans ko, grabe yung suporta nila”.

Isa sa mga naging pahayag ni Ronnie. Marami nga sa mga tagahanga ni Ronnie ang nag abot ng paghanga at pagbati sa kanilang idolong mang-aawit sa panibagong achievement nito. “Congrats Pilot” Ronnie Liang, ayon sa komento ng ibang tagahanga ng singer.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *