Dating Singer-Actress Na Si Carol Banawa Isinilang Na Ang Kanyang Napaka-Cute Na Baby Girl

Kasabay ng masayang pagdiriwang ng marami ng Easter Sunday, ay ang naging masayang kaganapan rin sa buhay pamilya ng singer-actress na si Carol Banawa.




Dahil sa pareho ng ang araw, kung saan lahat ay masayang pagdiriwang ang Easter, ay ang naging pagsilang naman ni Carol sa ikatlong baby niya na isa ngang malusog na baby girl.

Photo Credit: iamcarolbanawa/Instagram

Ang masayang kaganapan nga na ito sa kanyang buhay, ay masayang ibinahagi ng dating singer-actress sa kanyang social media accounts. “Easter Sunday blessing. As we received the blessing of Christ’s Resurrection, our family was blessed with another gift of life”, ang caption nga ng former singer-actress.

Photo Credit: iamcarolbanawa/Instagram

Para nga sa pamilya ni Carol, ay isang malaking biyaya mula sa Diyos ang naging pagdating sa kanilang buhay ng kanilang munting baby girl, lalo na nga’t ito ay isinilang sa mismong araw na ipinagdiriwang ng lahat ang muling pagkabuhay ni Kristo.

Photo Credit: iamcarolbanawa/Instagram

Matatandaan na inanunsyo ni Carol Banawa ang kanyang muling pagdadalang-tao na magiging ikatlong anak nga nila ng kanyang asawa noong buwan ng Setyembre taong 2020, kung saan ay talagang labis ang kanyang kasiyahan dahil sa madaragdagan na naman nga ang miyembro ng kanyang pamilya.

Photo Credit: iamcarolbanawa/Instagram

“We can’t wait to meet you.baby Crisostomo. Arriving Apr 2020”, ang naging caption noong anunsyo niya ang kanyang pagbubuntis. Si Carol Banawa ay kasal sa kanyang asawang si Ryan Crisostomo, bago pa man nga dumating ang kanilang bagong silang na baby girl ay mayroon na silang naunang dalawang anak, at ito nga ay sina Chelsea at River.

Photo Credit: iamcarolbanawa/Instagram

Nang iniwan ni Carol Banawa ang kanyang karera bilang singer-actress sa Pilipinas upang manirahan sa Amerika, ay ipinagpatuloy nga niya sa nasabing bansa ang kanyang pag-aaral, kung saan ay nagtapos siya bilang Cuml Laude ng Bachelor of Science in Nursing Degree noong taong 2018 sa Northern Virginia Community College sa Washington, D.C.

Sa ngayon nga ay masaya si Carol sa buhay sa Amerika kasama ang kanyang buong pamilya, at nagtatrabaho na rin sa nasabing bansa bilang isang nurse.




Ikinatuwa naman ng maraming mga kapamilya, kaibigan at tagahanga ni Carol ang masayang pagbabahagi nito ng kanyang panganganak sa kanyang baby girl, kung saan ay bumuhos nga para sa kanila ang napakaraming pagbati ng ‘congratulatory’ message.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *