Dating Singer Na Si Nikki Gil May Itinatagong Angking Husay Sa Pagpipinta

Si Nikki Gil ay kilala bilang isa sa mga naging mahuhusay na mang-aawit sa industriya, bago pa man nga niya iwanan ang kanyang karera, ng piliing mamuhay ng simple ng siya’y bumuo na ng kanyang sariling pamilya.




Samantala, marami naman sa atin ang hindi nakakabatid na maliban sa husay sa pag-awit, ay may itinatago palang talento sa pagpipinta si Nikki Gil, na talaga namang ikinabilib ng kanyang mga tagahanga at marami pang mga netizens, ng makita ang obra na kanyang nilikha.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Sa Instagram ng singer, ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang likhang obra, na kung saan ito ay isang water color painting ng larawan ng kanyang yumaong alagang aso na si Charlie.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Dahil sa naging pagbabahagi na ito ni Nikki Gil ng kanyang napakaganda at tila isang napaka-detalyadong nilikhang obra, ay talagang namangha ang kanyang mga tagahanga sa kanyang telento sa pagpipinta.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Makikita nga sa naging caption niya, kung gaano siya naging ka-proud sa kanyang sarili, dahil sa napakagandang obra na kanyang nagawa.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

“So proud of ME!!! I made this!!!! Charlie in watercolor #DonCharlito”, ang naging caption ng ani Nikki sa larawan.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Umani nga ng napakaraming mga positibong komento mula sa kanyang mga tagahanga at mga netizens ang post na ito ng singer, kung saan karamihan sa mga mababasang komento ay hindi napigilang iparating ang kanilang pagkamangha sa talentong taglay ni Nikki Gil.

Sa ngayon nga ay abala si Nikki Gil sa kanyang binuong pamilya, at kahit hindi na masyadong aktibo sa showbiz, ay paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin ito ng guesting sa ilang mga programa.

Matatandaan nga noong nakalipas na dalawang taon, ay ipinasilip ni Nikki sa publiko ang tahanan nilang magpamilya, kung saan ay kasama niya roon ang kanyang asawang si BJ at ang kanilang anak na si Finn.




Ika-21 ng Nobyembre taong 2015 ng ikasal si Nikki Gil kay BJ Albert, na pamangkin ng sikat na singer-actor na si Joey Albert.Isinilang naman ni Nikki ang unang anak nilang mag-asawa, na isang lalaki at pinangalanan nilang Finn, noong taong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *