Dawn Zulueta Ipinasilip Ang Kanyang Modernong Living Room Sa Loob Ng Kanyang Tahanan

Si Dawn Zulueta o si Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa totoong buhay ay isa sa mga kilalang beterana at mahusay na aktres, commercial model at host mula pa noong kanyang kabataan hanggang sa ngayon sa industriya ng showbiz. Isa din si Dawn Zulueta sa mga bituin sa industriya na nagtataglay ng sinasabi natin gandang hindi kumukupas.

Image Credit via Google




Sapagkat sa edad niya na 54-taong gulang ay nananatili pa rin ang mala Dyosang kagandahan sa actress na animo’y isang diwata na hindi tumatanda.

Image Credit via Google

Ang kanyang napangasawa ay isang negosyanteng pulitiko na si Antonio Lagdameo, Jr.. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Jacobo Antonio at Ayisha Madlen.

Image Credit via Google

Bukod nga sa angking kagandahan at galing bilang isang aktres/modelo na hinahangaan kay Dawn ng mga manonood at netizens, ay hinahangaan din siya ng mga ito sa kanyang pagiging mapagmahal, maalaga, maasikaso at mabuting asawa at ina sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Ngunit hindi nga lang ang mga ito ang hahangaan at kabibiliban natin sa aktres na si dawn Zulueta sapagkat bibilib ka rin sa pagiging maayos at malinis niya sa kanilang pamumuhay. Kamakailan lamang ay naging usapan sa social media ang pag-aayos at paglilinis ng aktres sa living-room ng kanilang tahanan.

Image Credit via Google

Dito ay makikita na simple lamang ang loob ng tahanan ng aktres, ngunit sa kabila ng pagiging simple ay napaka elegante at napaka-aliwalas naman nito sa iyong paningin dahil pagiging maayos at malinis nito.

Image Credit via Google

Ayon kay Dawn ay libangan na niya ang gawain niyang ito at itinuturing na niya itong work out niya, sapagkat isang beses sa isang Linggo kung siya ay mag-ayos ng kanilang living room. Pagod man sa ginagawa ng paglilinis at pag-aayos ay masaya naman ang aktres sa tuwing nakikita na niya ang resulta ng kanyang pinagpaguran.

Image Credit via Google

Ang white and cream color combination ng kanilang living room ang isa rin sa mga nagbigay aliwalas sa dito, bumagay din dito ang mga kagamitan sa loob ng tahanan ng aktres. Sinisigurado din ng beteranang aktres na sa tuwing siya ay mag-aayos ng kanilang living room ay hindi maapektuhan ng mga gamit na naroon ang nais niyang maging maluwag at komportableng espasyo sa kanilang tahanan.

Talaga nga namang hindi maipagkakaila na isang hands-on na may-bahay at iba ang aktres na si Dawn Zulueta, dahil napapanatili niya ang kaayusan at kalinisan sa loob ng kanilang maganda at maaliwalas na tahanan.




Marami nga naman ang mas lalo pang humanga sa beteranang aktres na si Dawn Zulueta, kaya’t ilan sa mga netizens na nakakita sa kanyang naging pag-aayos sa kanilang living room ay talagang nagbigay ng mga positibong komento para sa aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *