Si Dawn Zulueta ay isa lamang sa mga aktres sa mundo ng showbiz na mula noon hanggang ngayon ay tunay na hinahangaan ng marami. Hindi lang dahil sa kanyang husay bilang isang aktres, kundi dahil din sa kanyang kahanga-hangang ganda na tunay namang hindi nakakasawang pagmasdan at tila hindi pinaglilipasan ng panahon.

Makikita naman talaga kay Dawn na kahit na lumipas na nga ang kanyang kabataan, ay hindi pa rin nga kumukupas ang kanyang angking kagandahan. Sa kabila nga ng edad na niya ngayon na 53-taong gulang ay pagkakaroon ng white-gray hair, ay kitang-kita pa rin ang angkin niyang ganda na tunay na kahanga-hanga.

Dahil nga sa walang kupas na kagandahan na ito na taglay ni Dawn ay marami ang naghahangad na malaman kung ano ba ang ‘secret beauty regimen’ ng aktres, lalo na nga ang mga kababaihan na nais ma-achieve ang ganitong ‘looking younger’ kahit na nagkakaedad na nga.

Sa latest post ni Dawn, ay minarkahan nga niya ang petsa ika-4 ng buwan ng Marso taon ng kasalukuyan na siya ay tumuntong na sa edad na 53-taong gulang. Nagbahagi siya ng kanyang larawan kung saan ay makikita na sa kabila ng kanyang kasimplehan, ay kitang-kita pa rin nga ang kagandahan na hindi man lang makitaan ng anumang bakas ng pagtanda.

Samantala, kung ang iba nga ay nagpapakulay kapag napapansin na nila na sila ay mayroon ng white-gray hair, aba si Dawn, hindi nga pinakulayan ang kanyang buhok at pinanindigan lamang ang paglabas ng kanyang mga white-gray hair, at ito ay bumagay naman talaga sa kanya.

“Grateful to be 53”, ang naging saad nga niya. Kaagad naman bumuhos ang maraming pagbati para kay Dawn mula sa mga malalapit sa kanya at mga taong sumusuporta sa kanya. “Happy birthday my dear ate… God bless you more [praying hand emoji]”
“@dawnzulueta Happy birthday my dearest! And bravo for owning your age! Happiest bday beautiful woman.”
“Kagigising lang yan?!?!! Ang ganda ganda!!!! Happy birthday my dear friend”
“Happy birthday to a beautiful woman inside out!” “Happy birthday dear… 53 looks 35.”
Kilala bilang isang mahusay na Filipina actress, host at commercial model si Dawn Zulueta. Maliban pa dito ay siya rin ang kauna-unahang Filipina actress na nakapag-uwi ng dalawang major accolades sa acting categories sa loob lamang ng isang taon, ito nga ay noong siya ay manalo bilang Best Actress at Best Supporting Actress sa FAMAS Awards noong taong 1992.