Sulyapan ang mga Nakakaaliw na Larawan ng Aktres na Si Denise Laurel Kasama ang Anak Niyang si Alejandro Davian o “Bukie” Bagama’t hindi pa nawawala ang Krisis sa ilang mga bansa sa sulok ng mundo, ay may mga eskwelahan na ang nagbukas at balik klase na nga para kanilang mga mag-aaral. Sa kabila nito, karamihan ay remote learning ang isinasagawa, upang masigurado pa rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Samantala, dahil back to school na nga, ay ilang mga mommies naman ang nagpapamalas ng kanilang suporta para sa pagbabalik eskwela ng kanilang mga anak, halimbawa na nga lamang nito ay ang aktres na si Denise Laurel.

Sa Instagram ni Denise ay makikita ang kanyang naging pagbabahagi ng ilang mga nakakaaliw na larawan nila ng anak niyang si Alejandro Davian o kung tawagin nga niya ay Bukie. Nilahad ni Denise na magbabalik eskwela na nga ang kanyang anak, kaya naman balik na din siya sa pagising ng maaga para asikasuhin ito.

“Bukie and I are back to school!!! First week of school check! Back to early early mornings for me! I certainly need help to get boosted cause waking up in the morning isn’t that easy! Thank Goodness for my yummy @nutriboostph!! I ALWAYS ALWAYS wanna do my best to my be my best self by the time”, ang naging saad ni Denise sa kanyang IG post.

Dagdag na saad pa ng aktres, ang kanilang umaga ng kanyang anak na si Bukie ay nagsisimula na sila ay nag-uusap at kuwentuhan. Bilang isang ina naman, tinutulungan naman niya ang anak na mas maging ‘motivated’ pa ito.

Samantala, ayon naman kay Denise hindi nga lang siya basta ina sa kanyang unico hujo na si Bukie, dahil siya ay bff, cheerleader, police at provider nito. At bilang isang ina nga na maraming responsibilidad sa kanyang anak, sa kabila ng pagiging busy din niya sa mga pinagkakaabalahan niyang hanapbuhay ay sinisigurado naman ni Denise na lagi siyang may enerhiya upang magampanan ang lahat ng kanyang responsibilidad, hindi lang sa kanyang anak kundi maging sa sarili din niya.

Ibinida naman ni Denise ang isang chocolate drink na isa sa kanyang mga source of energy at nakaka-satisfy nga ng kanyang ‘cravings’ sa chocolates, na hilig din umano ni Bukie. Sa kabila naman ng pagkain niya ng pagiging chocoholic niya, ay sinabi naman ng aktres ay responsable pa rin siya sa mga pagkain na madalas niyang kainin.
“I’m a chocoholic too so that helps with my cravings! I get my chocolate fix even if I’m responsible with my food intake!! Bukie loves it too!! So get yourself boosted the yummy way haha let’s claim these days! Happy weekend everyone”, ani pa ni Denise.