Derek Ramsay Handa Na Nga Bang Pakasalan Ang Nobyang Si Andrea Torres

Kamakailan lamang ay kumalat ang usapin na buntis umano ang aktres na si Andrea Torres sa kanyang nobyong si Derek Ramsay, na pinagtawanan lamang ng dalawa dahil sa hindi naman ito totoo.



Sa isang interview ng PEP.ph sa aktor ay sinabi nito kung ano ang naging reaksyon nila sa usaping ito. “Natawa nga kami sa tsismis na buntis siya about two, three weeks ago,” saad ni Derek. “Wala natawa lang kami na everyone thought she might be pregnant.”
Image Credit via Google
“Hindi ko nga alam kung saan galing yung news nay an, basta natatawa na lang kami.”
Matatandaan na ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Derek at Andrea ay nagsimula ng magtampo ang dalawa sa Kapuso series na The Better Woman. Doon din nagsimula ang pagli-link sa dalawa hanggang sa noon ngang September 25, 2019 ay inamin nina Derek at Andrea ang tungkol sa relasyon nila.
Image Credit via Google
Kahit pa ng aba wala pang isang taon mula ng maging magkarelasyon sina Derek Ramsay at Andrea Torres ay tila naman nakikita na ng aktor ang kanyang sarili na ilang taon lang ang bibilangin ay nalalapit na silang magpakasal.
Image Credit via Google
Para naman kay Andrea, hindi sa haba ng relasyon pag basehan kung maari na ba kayo magpakasal kung hindi ay nasa pundasyon at tatag ng relasyon na inyong binuo.
Samantala, ng tanungin naman ang aktor kung kamusta na ang relasyon nila ng nobyong si Derek ay masaya nitong sinabi na maayos at masaya ang kanilang relasyon.
“Andrea and I are doing very very well. Tumutulong nga siya sa pagmomove ng bahay.”
Image Credit via Google
“Nakakatuwa nga, yeah, we’re very, very happy. I’m very very happy”, naging kasagutan ni Derek. Nang tanungin naman ang aktor tungkol sa pagpapakasal ay agad rin nitong sinabi na napag-uusapan na nila ito ng nobya.
Image Credit via Google
“Yung tungkol naman sa kasal, modet definitely napag-uusapan na namin yan.”
“I really feel this relationship is so different from all the others. I don’t know why.”
“I don’t like say anything that…. I don’t like comparing but this one is so different.’
“I’m praying n asana mapunta na ito sa kasalan.”



Marami naman sa mga tagahanga at taga suporta ng dalawa ang talaga namang naghahangad na sana ay silang dalawa na nga talaga ang magkatuluyan at mauwi na ang kanilang relasyon sa kasalan.
Image Credit via Google
Maging ang aktor na si Derek ay umaasa na sana in the next two years na kanilang pagsasamahan ay maging mas matatag pa ito at tuluyan na ngang mauwi sa pagpapakasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *