Derek Ramsay Natuwa Sa Sorpresa Ng Kanyang Nobyang Si Andrea Torres Para Sa Kanyang Kaarawan

Muling naging usap-usapan sa social media ang Kapuso Actress na si Andrea Torres, ito ay matapos niyang sorpresahin ang kanyang nobyo na aktor na si Derek Ramsay sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram




Noong ika-6 ng Disyembre ay naghanda ng isang sorpresa si Andrea para kay Derek dahil nalalapit na ang kaarawan nito. Kinontsaba ni Andrea ang ibang empleyado ng restaurant at ilan sa mga kaibigan ni Derek, naghanda sila ng mga performances upang mas maging masaya ang nasabing sorpresa.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Isang magarbong salo-salo na kung saan ay tinipon ng aktres ang mga kapamilya at matalik na kaibigan ni Derek na makadalo at makisalo sa nasabing salo-salo ng hindi nalalaman ng aktor.Kahit pa nga ba sobrang traffic kapag biyernes ng gabi ay hindi nag pigil ang mga kaibigan at pamilya ni Derek na dumalo at makisaya sa sorpresa ng ito para sa aktor.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng mga naganap sa nasabing salo-salo ay ang mukha ng aktor na si Derek na dumating sa isang restaurant kasama si Andrea at ang anak niyang si Austin. Ngiti na animoy hindi makapaniwala ang aktor na ang kanilang pupuntahan ay isa pa lang sorpresa para sa kanya, na naroon ang kanyang mga pamilya at matalik na kaibigan.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Derek ang kanyang pasasalamat at pagmamahal kay Andrea Torres, dahil sa mga ginawa ng aktres na pag sorpresa para sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Sa kabilang banda naman ay nagbahagi din ang aktres na si Andrea Torres sa kanyang Instagram ng kanilang larawan ng nobyong si Derek kung saan ito ay na sorpresa na may kalakip na sweet na mensahe. Ayon sa aktres ng panahong nakilala niya ang aktor, ay ito rin ang mga panahong lagi niyang ipagdarasal na makatagpo siya ng isang makakasama at mamahalin.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

“I’d always tell him, ‘Lord I feel like I’m ready but I trust your timing. I’m going to be patient. I know I’ll be able to tell if the person came from you.” Ang ipinag panalangin ng aktres noon.
Sa isang serye kung saan nagkasama si Andrea at Derek nagsimula ang lahat, dito unti-unting nakilala ng aktres ang aktor na si Derek hanggang sa dumating ang time na ang lahat ay tumutugon sa mga bagay na nais niya.

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

Sa ibinahaging larawan ng aktres sa kanyang instagram na kasama niya si Derek ay narito ang kanyang naging mensahe. “There is no doubt in my heart that you are my answered prayer.”

Photo Credit: andreaetorres/Instagram

“I wake up every day with one constant goal: to make you happy. Remember you’ll never have to face anything alone, I’m just always behind you, caring for you, comforting you, and my favorite, making sure you’re well taken care of”




Nararamdaman sa mensahe ng aktres ang buo niyang pagmamahal para kay Derek. Marami sa kanilang mga tagahanga ang sumusubaybay sa kanilang Love Story na kung saan ay hiling ng mga ito na silang dalawa na nga ang magkatuluyan at maging masaya panghabang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *