Deserving Naman Pala Talaga Ang Babaeng Ito Mag Top 1 Sa Board Exam

Iba ang pakiramdam ang makapagtapos ng kolehiyo. Ito kasi ang isa sa mga pinapangarap ng ating mga magulang para sa atin at ito na rin ang isa sa mga pangarap natin para sa ating mga sarili. Matapos mong tapusin ang kursong iyong napili, inaasahan kang magkakaroon ng magandang trabaho upang makatulong agad sa pamilya.

Image Courtesy: medics.elgoal/ Google





May mga kursong kinakailangan ng “licensure exams” para matawag kang isang propesyonal. Katulad na lamang ng abogasya, guro, accountancy, inhinyero, at arkitektura, kinakailangan mong pumasa sa isang licensure exam para matawag kang propesyonal sa kursong mga katulad nito.

Image Courtesy: medics.elgoal/ Google

Sa board exam malalaman kung ikaw ba ay karapat-dapat na magkaroon ng lisensya. Bagama’t hindi naman talaga na pinapansin ang grado mo sa mga ganitong exam, malaki pa rin ang iyong lamang kung ika’y nakapasok sa Top 10 na pumasa.
Nitong nakaraan lamang ay lumabas ang resulta ng licensure examination para sa mga arkitekto.

Image Courtesy: medics.elgoal/ Google

At sa 1,120 na matagumpay na nakapasa, isang babae ang nakasungkit ng pinakaunang puwesto mula sa Cebu Institute of Technology – University sa Cebu City. Pero syempre, ang bawat tagumpay ay may kwento ng paghihirap, sakripisyo, at pagtitiyaga.
Ito ang ibinahagi ng kapatid ni Justine Lei Ramos, ang Top 1 sa nakaraang Architecture Licensure Exam, na si Sean Ramos sa kaniyang Facebook account.

Image Courtesy: medics.elgoal/ Google

Ibinahagi ni Sean Ramos ang litrato ng kwarto ng kanyang ate Justine. Makikita sa litrato ang kwarto ni Justine na punong-puno ng mga notes sa dingding. Ito ang mga naging reviewer ni Justine para paghandaan ang kaniyang examination.

Image Courtesy: medics.elgoal/ Google

Ang mas nakakamangha pa rtio, makikita na ang mga notes ay isinulat pa mismo ni Justine! Pero hindi raw pala arkitektura ang unang kurso ni Justine. Bago pa man siya pumasok sa kursong ito ay kinuha niya muna ang Medical Technology na kurso. Hindi raw nagbigay ng kursong ito ang kanyang hinahanap kung kaya’t naisipan ni ang lumipat ng arkitektura hanggang sa nahumaling siya dito.

Image Courtesy: medics.elgoal/ Google

“All the hard work and sleepless nights had paid off! This is my sister’s room. Top 1 in 2019 Architecture Licensure Examination 😁😁 Lei Ramos.”




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *