Diego Loyzaga At Barbie Imperial Masayang Ibinahagi Sa Social Media Kanilang Relasyon

Sa unang araw ng taon, ay agad na ibinandera ng aktor sa kanyang social media account na siya at ang aktres na si Barbie Imperial ay may relasyon na.
” Status: In a Relationship….”




Makikita sa Instagram account ng binatang aktor, ang naging pagbabahagi niya ng larawan, na kung saan ay magkasama at sweet na magkayakap sila ng aktres, habang nakangiting nakatingin sa isa’t isa. Ang larawan umanong ito, ay kuha sa isang beach resort sa Bohol.
Isang matamis na mensahe naman ang inilagay na caption ni Diego sa larawan.

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

“Happy New Year to us (heart emoji), thanks for making the end of 2020 memorable. Let’s gooo 2021!”

Photo Credit: msbarbieimperial/Instagram

Hindi naman inilahad ni Diego, kung kailan kinunan ang naturang larawan nila ni Barbie. Ngunit, hula ng mga netizens at tagahanga ng dalawa, ay kuha lamang ito nitong mismong araw ng Bagong Taon, dahil tila magkasamang sinalubong ng dalawa ang taong 2021.
Samantala, mga bagong larawan naman ni Barbie sa kanyang Instagram ay sinaad nito na kuha ang mga ito sa isang luxury resort sa Bohol.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Isang larawan naman ni Barbie na habang siya ay nasa swimming pool ang makikitang may komento si Diego, kung saay ay isang camera emoji ang kanyang naging komento na nagpapahiwatig na siya ang cameraman ng aktres sa larawan na ito.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa magkasintahan, mula sa kanilang mga tagahanga at mga kaibigan nila sa industriya ng showbiz.

Isa ang aktres na si Sunshine Cruz sa nagpa-abot ng kanyang pagbati para sa magkasintahan na parehong malapit sa kanya. “You both deserve to be happy. Happy New Year Diegs, and my beautiful Cai,” mensahe ni Sunshine.

Sina Diego at Barbie ay parehong malapit kay Sunshine, dahil si Diego ay anak ng dating asawa niyang si Ceasar Montano, at si Barbie naman ay ang gumaganap na kanyang anak sa “Bagong Umaga”, ang seryeng pareho nilang kinabibilangan ngayon.

“Happy for the both of you @diegoloyzaga at @msbarbieimperial”, komento ni Enzo Pineda.
“Happy New Year, Lovers”, ang komento naman ni Melai, na masayang masaya para sa relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

“Instagram official”, naman ang naging sey ni Albie Casiño para sa relasyon ng dalawa, dahil finally naibandera na ito sa social media.




Matatandaan na unang kumalat ang balitang may espesyal ng pagtitinginan ang dalawa, ng magbigay ng komento si Diego sa isang bikini photo ni Barbie. Kung saan ay talagang hindi naitago ng aktor ang kanyang paghanga, at napa-wow sa seksing seksing larawan ng aktres.

Dito nga ay nagsimula na ang panunukso ng maraming netizens, at sinasabi pa na sana nga ay sina Diego at Barbie nalang ang magkatuluyan, na ngayon nga ay nagkatotoo na, dahil kumpirmadong magkarelasyon na ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *