Diego Loyzaga Inilarawan Ang Kanyang Nobyang Si Barbie Imperial Isang Napaka Mapagmahal At Maalagang Girlfriend Si Barbie Imperial “Para Siyang Nanay Kung Mag-alaga”

Kabilang sa mga aktor ngayon na may makulay at masayang buhay pag-ibig ay si Diego Loyzaga. Ito nga ay sa piling ng kanyang napakagandang girlfriend na isa ring popular na aktres na si Barbie Imperial.




Kung ating natatandaan, unang isinapubliko ni Diego ang relasyon nila ng aktres noong unang araw ng Bagong Taong 2021, kung saan kasabay ng mga paputok ay ang pasabog din niya ng kanyang naging rebelasyon patungkol sa kanila ng aktres. Ibahagi nga niya sa kanyang Instagram account ang sweet photo nilani Barbie.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram 

At mula nga noon, ay madalas ng nagbabahagi ang dalawa ng kanilang mga sweet moments bilang magkasintahan. Samantala, ilang buwan na ngang magkarelasyon sina Barbie at Diego, ngunit ano nga kaya ang masasabi ng aktor sa aktres bilang nobya nito?

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Kamakailan nga lamang sa naganap na prescon ng pelikulang “Death of a Girlfriend” ang bagong proyekto ni Diego Loyzaga, ay ibinahagi ng aktor na para sa kanya ay ibang klaseng girlfriend talaga si Barbie. Kung saan ang kasintahan ngang aktres, ay kanyang inilarawan sa dalawang salita “nanay” at “baby”.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Ayon sa aktor, kaya tila parang may pagka-nanay dahil sa sobra umanong maalaga ni Barbie, at kaya naman baby, ay dahil para sa kanya ay baby niya ito. “Si Barbie can be the most maternal person in the sense na para siyang nanay kung mag-alaga. But at the same time, para rin siyang baby. Yon naman yung gusting-gusto ko kasi sabi ko baby ko siya”, pahayag ng aktor.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Pagbabahagi pa ng aktor, talagang gustong gusto niya kapag inaalagaan siya ng kasintahan, at siyempre ipinaparamdam niya rin ang pag-aalaga niya rito. “Gusto ko rin naman na ako yung nag-aalaga. I like how she can bring out the best in me at the same time. Kapag siya naman, kapag kailangan niya ng pag-aalaga, hinihingi naman niya sa akin. And for me, big deal yon”, ani pa ng aktor.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Samantala, sa ika-21 nga ng darating na buwan ng Mayo ay ipagdiriwang na ng aktor ang kanyang ika-26 taong kaarawan, kung saan ito ang kauna-unahang niyang kaarawan na makakasama niya ang aktres na si Barbie Imperial bilang kasintahan niya.

Photo Credit: diegoloyzaga/Instagram

Gusto natin magtrabaho. The whole world is affected and sana mabawasan na yung hirap ng mundo.” Si Diego Loyzaga ay mapapanood ngayon sa TV5 kung saan ay nabibilang siya sa Pinoy version hit Korean series na “Encounter”, at kasama nga niya ang mahuhusay na aktres na si Cristine Reyes.




Ngayong taong 2021 ay tila bumubuhos ang biyaya sa aktor matapos nga niya magbalik showbiz, dahil sa mayroon na nga siyang mga proyektong nakapila na gagawin ngayon taong, kabilang na nga ang mystery love story na pelikulang “Death of a Girlfriend”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *