Diether Ocampo Isa Ng Ganap Na Lieutenant Commander Sa PCGA

Ang pagiging artista ay isang landas na hinding-hindi mo malalaman kung hanggang kailan ka tatagal. Ang kasikatan mo ay maaaring tumagal, at maaari ring maging sikat lamang sa maiksing panahon. Nasa sayo kung nakikipaglaban ka para sa kasikatan o mamuhay ng pribado.

Mas makikilala mo ang iyong sarili kapag wala ka na sa harap ng kamera. Marami nang mga artista ang piniling lisanin ang showbiz upang manirahan ng tahimik at pribado. Ang iba nama’y nilisan ang showbiz upang tahakin ang karera ng pinapangarap nila.

Photo Credit: Philippine Coast Guard Auxiliary/Facebook




Isa na ito ay ang dating aktor at sexy star na si Diether Ocampo. Sa edad na 46, si Diether ay isa nang Lieutenant Commander sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Ayon kay Diether, nakilala niya raw ang kanyang sarili dahil sa pagpasok niya sa PCGA.

Nakilala niya rin kung ano ang mga Pilipino at kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tao kung kaya’t nagdesisyon siyang pasukin ang PCGA. Sumailalim si Diether sa indoctrination ng PCGA noong Marso ngayong taon.

Photo Credit: Philippine Coast Guard Auxiliary/Facebook

Bago pa man tuluyang makapasok si Diether sa PCGA ay sumabak muna siya maraming training at programa ng Coast Guard. At ngayon Hunyo, natapos na ni Diether ang kanyang training sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training.
Maliban kay Diether, pumasok rin sa PCGA ang ilang mga artista katulad nina Matteo Guidicelli, Erwan Heussaff, Nico Bolzico, at Gerald Anderson.

Photo Credit: Philippine Coast Guard Auxiliary/Facebook
Photo Credit: Philippine Coast Guard Auxiliary/Facebook

Nakakatuwa lang na kahit mga artista at sikat ay hindi niya makakalimutang magsilbi sa ating bayan sa pamamagitan ng pagpasok sa Sandatahang Lakas upang ipaglaban ang Pilipinas. Mainam rin ito dahil naging modelo sila, hindi lamang sa TV, kundi na rin bilang isang Pilipino para sa kanilang mga taga-hanga’t taga-suporta. Sana’y maging inspirasyon silang lahat upang mas mapaigting pa ang tapang ng mga Pilipino para ipaglaban ang soberanya ng Pilipinas hindi lamang sa salita kundi pati na rin sa gawa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *