Dimples Romana Bago Naging Isang Artista Nauna Munang Sumabak Sa Pagiging Beauty Queen

Sa larangan ng showbiz, isa sa mga hinahangaan at iniidolong aktres ay si Dimples Romana. Siya ay madalas na napapanood sa mga serye at pelikula, at ang kanya ngang husay sa pag-arte ay una niyang ipinamalas ng siya ay maging isa sa mga cast ng hit teslserye noong dekada 90 na Esperanza na ipinalabas noong taong 1997.




Dahil sa kanyang kakaibang abilidad sa pag-arte, ay nabigyan pa muli ng mga proyekto si Dimples, kung saan siya nga ay napabilang noon sa teen-oriented series na ‘Tabing Ilog’. Mas lalo namang namayagpag ang kanyang karera ng mapabilang siya sa hit series na ‘Kadenang Ginto’ kung saan ay mahusay niyang ginampanan ang karakter ni Daniela Mondragon at dito ay nakuha niya ang papuri mula sa mga netizens dahil sa husay at galing niya bilang isang kontrabida.

IMage Credit via Google

Samantala, tila marami naman sa atin ang hindi nakakaalam na bago ang naging pagsabak ni Dimples sa mundo ng showbiz, ay naging isa pala muna itong beauty queen. Kamakailan nga lamang ay nag-viral ang larawan ng Kapamilya actress, kung saan makikita ang kanyang angking kagandahan habang nakasuot ng magandang gown at may nakapatong na korona sa kanyang ulo, ito ay noong mga panahon nga umano na sumali si Dimples sa Binibining Paraňaque 2000. Ang naturang larawan nga na ito ni Dimples ay ibinahagi ng Paraňaque Tourism Official Page.

IMage Credit via Google

Nakasaad naman sa caption ng Facebook Page tungkol sa larawan nga na ito ng Kapamilya actress, na tinanghal nga noon si Dimples na Binibining Paraňque at ang kanyang nirepresenta ay ang Brgy. Sun Valley. Ginanap umano ang beauty pageant na ito sa St. Paul College of Paraňaque.

IMage Credit via Google

Ang nasabing pageant din na ito ay naging espesyal dahil kabilang sa mga horado nito ay ang kauna-unahang Pinay Miss Universe na si Miss Gloria Diaz. Sa ilang mga larawan din ay makikita na naroroon ang komedyanteng aktor na si Joey Marquez na noon ngang mga panahon na ‘yon ay siyang Alkalde ng Paraňaque.

Tila nga iba ang plano ng tadhana para kay Dimples, dahil kahit nga sumabak siya sa beauty pageant noon ay hindi siya gaanong nakilala sa larangan na ito, dahil tila ang tunay na nakatadhana sa kanya ay ang maging isang aktres, sapagkat ngayon ay isa siya sa mga pinakamahusay at hinahangaan na aktres sa mundo ng showbiz at dito nga ay ilang parangal na din ang kanyang nakamit

Ilan nga sa mga parangal na nakamit ni Dimples sa kanyang pagiging isang artista ay ang Famas Awards, Gawad Urian, Golden Screen Award at Gawad Tanglaw kung saan nasungkit niya ang Best Supporting Actress, Best performance of an actress in a supporting role at outstanding supporting actress in a drama series.




Sa kabila naman ng pagiging isang matagumpay na aktres ni Dimples at kahit malayo na ang narating niya, ay hindi naman siya nagbabago hanggang ngayon at nanatili ngang ‘humble’ sa lahat ng kanyang ginagawa, kaya naman hindi kataka-taka na patuloy na bumubuhos ang biyaya sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *