Dimples Romana Bilib Sa Kakayahan At Determinasyon Ng Panganay Na Anak Na Si Callie Sa Pagiging Isa Young Entrepreneur

Nito lamang nakaraan ay naging panauhin sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” ng ABS-CBN ang mag-inang sina Dimples Romana, at panganay na anak nitong si Callie.




Sa naging panayam nga sa mag-ina, ay maluha-luhang ipinagmamalaki ng Kapamilya actress sa buong mundo ang kanyang anak na si Callie, dahil sa nakakabilib na sa murang edad nito ay mayroon na itong na-achieve sa kanyang buhay. At ito nga ay ang pagiging isang young entrepreneur.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ayon nga kay Dimples, ay talagang ikinagulat niya na isang beses mayroon siyang naging conference, na imbis na patungkol sa kanyang ang itanong dahil sa siya ang artista, ay puro ang kanyang anak na si Callie ang tinatanong.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

“Yung totoo, nagugulat ako. Noon pong nag-media conference, ‘di ba kapag media conference iniisip mo, dahil ako ‘yung artista, maraming tanong sa akin. Pero halos lahat ng tinanong nila ay si Callie.”, ani Dimples.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Dagdag na pahayag pa ni Dimples sa Magandang Buhay, ay talagang natulala siya at walang mapagsidlang ang kanyang tuwa ng makatang nagsasalita ang kanyang anak na si Callie. Dahil nakita niya na unti-unti nan gang natutupad ng panganay na anak ang isa sa mga pangarap nito.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ibinahagi rin ng Kapamilya actress, na kahit may mga pinagdaanang pagsubok ang anak sa naging entrepreneur journey nito, ay hindi ito humingi ng tulong sa kanila.
Inamin naman ni Callie, na dahil nga sa kanyang edad na 16-taong gulang ay may mga taong hindi talaga agad nagtiwala sa kanyang kakayahan.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Matatandaan na buwan ng Disyembre ng nakaraang taon ng i-launched ni Callie ang kanyang mga bags collection, ngunit ayon nga sa dalaga ay Feb 2019 pa talaga ng magsimula siya larangan na ito.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Lahad pa ni Dimples, nakita nga niya sa kanyang anak na si Callie kung paano ito natutunan na tumayo sa kanyang sarili, dahil sa pagtitiwala at suporta na ibinigay nilang mag-asawa sa kanilang anak.




“Feeling ko for kids, when we let them be their own and we let them decide and practice for them to parang have their own stand on things, it’s easier for them to maneuver and really express themselves”, pagbabahagi pa ni Dimples.

Bago naman matapos ang panayam sa mag-ina ay nagbigay mensahe pa si Callie, kung saan ay nilahad niya kung gaano siya ka-grateful sa kanyang mga magulang, dahil sa suporta at tulong na ibinigay ng mga ito sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *