Dimples Romana Binigyan Ng Isang Masayang Selebrasyon Ang Kanyang Mga Kasama Sa Bahay

Hindi na bago sa publiko na kapamilya kung ituring ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang kanyang mga kasambahay, ito nga ay dahil minsan na niyang ibinahagi noon kung paano niya binigyan ng sorpresa na house and lot ang isa niyang kasambahay na matagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya.




At nito nga lamang nakaraan, ay muli ngang pinatunayan ni Dimples at ng mister niyang si Abet Ahmee kung gaano nila pinapahalagahan at itinuturong na pamilya ang mga kasama nila sa bahay, ito ay matapos nilang ipagdiwang at bigyan ng masaya at simpleng selebrasyon ang mga ito sa kanilang spesyal na araw o kaarawan.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kaarawan ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ng pamilya, at sa araw nga na ito ay isang taos pusong mensahe at pagpapakilala ang ibinahagi ni Dimples sa kanyang social media account kung saan nilakip nga niya rito ang larawan nina aAte V at Kuya Rey na hawak-hawak ang kani-kanilang birthday cake.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Ayon sa kapamilya actress, sina Ate V at uya Rey ay halos magdadalawang dekada na rin na naninilbihan sa kanilang pamilya.“Si Ate V has been with us for 18 years now, si Kuya Rey naman our in-house foreman has been with us for 12 years”, ani Dimples.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Dagdag pa niya, “But @papaboyetonline and I have been blessed to be surrounded by staff turned into family over these two decades of married life.”

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Ibinahagi rin ni Dimples na si Ate V ay isa din sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan hindi lamang pagdating sa usapin sa loob ng kanilang tahanan, kundi maging sa pag-aalaga at pagbabantay sa mga anak nila na si Callie at Alonzo.

Si Kuya Rey naman ay inilarawan ni Dimples bilang ‘boss’ dahil sa pagiging in-house foreman nito sa kanilang tahanan, na siya ngang nagkukumpuni at nag-aalaga ng kanilang tahanan. Biro pa ni Dimples, kahit nga pisong sukli ay talagang ibinabalik ni Kuya Rey sa kanila.

“Si Kuya Rey naman started to do minimal work lang around our home a decade back, he is now the boss (hindi ako, lalong hindi si Boyet) of all our other caretakers from the other spaces. He manages them well and tells me often if he feels someone is taking advantage of Boyet and I. Talk about genuine concern. Si Kuya Rey, ultimo Piso na sukli ibabalik pa sa akin”, pagbabahagi nga ng Kapamilya actress.




Dagdag pa ni Dimples, “Pano ba ‘yan forever na to!” Tunay namang nakakabilib ang mag-asawang Dimples at Boyet, dahil sa kabila nga ng napakaraming biyaya na natatanggap ng kanilang pamilya ay hindi naman sila nakakalimot na pahalagahan at pasalamatan ang mga taong kanilang nakasama at tinuring na kapamilya mula pa noon hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.